‘2 buwan na nga’ AJ Raval kinantiyawan sa pagbubuntis

Grabe ang reaksiyon ng media, mga bisita, na nanood sa special preview ng ‘Sitio Diablo’ na dinirek ni Roman Perez, Jr. at pinagbibidahan nina AJ Raval, Kiko Estrada.

“Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan!” sabi ni AJ, at napasigaw nga ang mga tao sa sinehan na, ‘Buntis nga!’ sabay tawanan ang lahat.

Yes, buntis nga ng dalawang buwan ang karakter ni AJ sa ‘Sitio Diablo’ na naging tuksuhan sa sinehan.

Pero, in real life, lumantad nga si AJ, na bagamat balot na balot sa suot niya, mukha namang hindi malaki ang kanyang tiyan.

At sa chikahan sa kanya, harap-harapan naman niyang sinasabi na hindi nga siya buntis. At kahit ang tatay niyang si Jeric Raval na dumalo rin sa private screening, nagsabing hindi buntis ang kanyang anak.

Kasama rin ni Jeric ang tatlo pa niyang anak na lalake sa private screening, na sa totoo lang ay puwedeng-puwede talagang magsipag-artista dahil puro guwapo at matatangkad, ha!

Manang-mana nga kay Jeric. At sabi ni AJ, pabor siya na mag-artista ang mga kapatid niya.

“Kung ano po ang naaabot ko, gusto ko ring maabot nila,” sabi pa ni AJ.

Pero, paano ba nagri-react ang mga kapatid niyang lalake sa mga tsismis sa kanya, tulad nga ng chika na kesyo buntis ito.

“Hindi na lang naming pinapansin. Kasi pag pinansin mo mas matutuwa sila, eh. So, tahimik na lang para hindi na lumaki!” sabi ng isang utol ni AJ na rapper, at kasama rin sa pelikulang Sitio Diablo.

“Hindi rin po kami nagbabasa ng mga post, o kahit mga comment, kaya balewala sa amin,” sabi ng isa pang utol ni AJ.

“Tinatawanan lang talaga nila. At saka, sila rin kasi ang mas nakakakilala sa akin!” sabi ni AJ.

“Lalo naman ako! Kilalang-kilala kita,” hirit ni Jeric.

“Pero, wala naman akong nababasa, o nababalitaan, kasi wala naman akong social media!” saad pa ni Jeric.

“Lahat ng mga nakikita niyong Jeric Raval na account, poser lang ang mga `yon!” dugtong pa ni Jeric.

Pero, ano nga ba ang totoo AJ?

“Bahala na po sila kung ano ang gusto nilang paniwalaan. Kasi the more na pinagtatanggol mo ang sarili, the more na mas inaatake ka nila!” sabi ni AJ.

Pero, hirit nga ni Jeric sa interview ni Ogie Diaz, kung buntis ang kanyang anak na si AJ, maganda ‘yon dahil hindi nga ito baog.

“Well, ganun po talaga siya magsalita. Personalidad po talaga niya `yon!” hirit ni AJ.

Jeric hindi pa handang maging lolo

Pero, sa interview ko kay Jeric, sinabi niya na hindi pa siya handang maging lolo. Na huwag muna ngang sumabak sa ganung kundisyon si AJ.

“Oo naman! Opo, huwag muna talaga!” sabi ni AJ.

Para kay Jeric, ayaw na nga raw niyang magsalita tungkol sa ‘buntis’ isyu, dahil mas lumalaki lang daw ang usapin.

At muli, giniit ni AJ na kaya hindi na niya tinapos, o hindi na niya nagawa ang isang pelikula ay dahil nga nagka-COVID siya.

“Actually hindi lang naman ako ang nagka-COVID. May isang artista rin doon na nagkasakit, at nawala na siya roon, napalitan na siya roon, dahil nag-positive nga siya!” kuwento pa ni AJ.

Kaloka lang na bukod kay AJ, pati pala si Jeric, at iba pang mga anak, kapatid ay nagkasakit din. Mas malala lang daw kay Jeric.

“Sa akin kasi pag gabi, ina-asthma ako. Ang hirap, parang kinakapos ang hininga ko,” sabi ni Jeric.

Anyway, hindi nga tumatanda si Jeric, ha! At sabi nga niya, ang trato niya sa mga anak niya ay parang mga kabarkada lang.

At wala na raw siyang plano pang magka-anak, dahil 18 na nga raw sila.

“Pag nag-anak pa ako ngayon, sino pa ang magsu-shoulder ng responsibilidad sa kanila? Matanda na ako,” sabi pa ni Jeric.

Sa ngayon, bukod kay AJ, tatlong anak pa ni Jeric ang mag-aartista, ha!

The post ‘2 buwan na nga’ AJ Raval kinantiyawan sa pagbubuntis first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/WdbNiAo
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada