3YO Sprint Race lalarga sa SLLP

BAGO matapos ang buwan ay ilalarga ang 2022 Philracom 3YO Sprint Race, nanguna sa nagdeklara ng pagsali ang mga kuwadra nina Eazacky at Gomezian.

Nakatakda itong pakawalan sa Agosto 28 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa distansiyang ay 1,000 metro.

Sasakyan ni jockey John Alvin Guce si Eazacky, habang si class A rider Oneal Cortez ang rerenda kay Gomezian sa karerang nakalaan ang guaranteed prize na P1M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Ang ibang kalahok sa event na inisponsoran ng Philippine Raacing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Club Kensai, Enigma Uno, Palauig at Roaring Kanyon.

Kukubrahin ng owner ng mananalong kabayo ang P900,000 habang ibubulsa ng second, third at fourth placer ang P337,500, P187,500 at P75,000, ayon sa pagkakahilera.

Mag-uuwi rin ng P75,000 ang breeder ng winning horse, P45,000 at 30,000 ang second at third.

Samantala, ikakasa rin ang 2YO Maiden Stakes Race, Linggo, sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas. (Elech Dawa)

The post 3YO Sprint Race lalarga sa SLLP first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/yzu6mDZ
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada