Alden, DongYan, Heart dapat magbawas ng TF

May pakiusap si ‘Nay Lolit Solis, isa sa mga kilalang manager at beteranang manunulat sa ilang sikat na artista sa ngayon.
Nag-mention siya ng mga artista na sana raw, makipagtulungan sa mga producer, pumayag na mag-adjust sa kanilang mga talent fee.
Meaning, pumayag ang mga ito na bawasan ang tf nila, para naman daw makagawa ng mga pelikula pa ang mga producer.
Ilan sa mga artistang binanggit niya ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Heart Evangelista, Gerald Anderson.
Ayon sa kanyang Instagram post, “Sana magtulungan malalaking star gaya nina Dingdong Dantes, Alden Richards, Marian Rivera, Heart Evangelista, Gerald Anderson, para makagawa ng more movies ngayon. Iyon bang pumayag sila sa adjusted TF para magkaruon ng lakas ng loob ang mga small time producers na maglagay ng pera sa showbiz.
“Malaking bagay din kasi iyon malaking TF kaya natatakot mga producer. Hindi mo nga naman alam kung papatok, kaya medyo ilag ka gumawa at maglagay puhunan. Pero kung malaman nila na cooperative naman iyon big stars para sa project niya, lalakas ang loob niya.
“Malaking parte ng budget ang tf ng isang artista, duon pa lang medyo mag iisip na. So tulungan is the key, dapat talagang tulong tulong sa pagsulong.”
Anak ni Dimples piloto na sa Australia
Parang kahit ang actress na si Dimples Romana ay hindi makapaniwala na ang kanyang panganay na anak, si Callie Ahmee na 18 year old lang, independent living sa Gold Coast, Australia ay nagawa ng makapagpalipad ng eroplano na mag-isa!
Kaya naman ramdam na ramdam ang pagka-proud momma ni Dimples sa kanyang Instagram post.
Sabi niya, “First solo flight today!!!!
“To say I’m a proud momma is a total understatement for today’s family milestone as our dear student pilot, Christiana Amanda Lauren Romana- Ahmee just flew the plane on her own for the first time today!
“What a Rockstar you are Callie!!! Such a joy seeing you come into your own. We’re all here for you kid! Fly high!
Nagpasalamat din si Dimples sa anak dahil sa hard work at kung paano rin nito i-value ang pamilya nila.
Sabi pa niya, “Sometimes, I wonder what dad and I ever do right to deserve such a gem like you my Ate @callieahmee.”
Sa totoo lang din talaga, nakaka-amaze ang anak na ito ni Dimples na bata pa lang, nagi-excel na sa school at ibang extra-curricular activities, pero very humble. Sixteen pa lang yata, may sarili ng line of business at heto nga, at 18, imagine, nakapagpalipad na ng eroplano on her own.
Sey mo Ellen?
Derek nilantad ang tunay na mahal
Marami ang napa- “sana all” sa ipinost na picture ni Derek Ramsay at pagbati sa kanyang P.A.
Matagal na raw niya itong kasama at ipinagpapasalamat niya na hindi siya iniiwan at nananatiling loyal sa kanya.
Kaya sa pinost niyang picture na kalbo pa raw siya at payat pa ito kumpara sa looks nila ngayon.
Sabi ni Derek, “Favorite photo ko ito nating dalawa. Sobrang tagal na nating nagsasama! Payat ka pa dito at kalbo pa ako. Gusto ko lang magpasalamat sa pagmamahal, loyalty, friendship na binibigay mo sa akin. Mahal na mahal kita at pamilya mo.
“Happy, happy birthday.”
Sa isang banda, bago ang kanyang Misis na si Ellen Adarna, ang minamahal na P.A. pala ang maituturing ni Derek na babaeng hindi talaga nang-iwan sa kanya, huh!
The post Alden, DongYan, Heart dapat magbawas ng TF first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/zL5r4FY
via IFTTT
Comments
Post a Comment