Andrew Schimmer kahanga-hanga ang katatagan

Ang aking taos pusong paghingi ng paumanhin, kaugnay sa naisulat kong pangalan ng ospital dito sa aking kolum, tungkol sa kuwento ni Andrew Schimmer, at sa kanyang mahal na asawang si Jho.

Ang aking pag-amin na nagkamali ako, na hindi po sa ‘The Medical City’ kundi sa ‘St. Luke’s Medical Center’ ang ospital kung saan naka-confine ang misis ng aktor.

Samantala, sa dami ng mga natatanggap naming mga hate message, kaugnay sa nai-post ni Andrew sa kanyang Facebook account tungkol sa aming panulat dito sa Abante na may titulong “P6M UTANG SA OSPITAL: COCO UMAYUDA KAY ANDREW”, malinaw naman po sa teksto ng buong item na hindi si Coco Martin ang nagbayad ng buong bill.

Walang nabanggit na “binayaran ng buo” o “binayaran” ni Coco ang bills ng misis ni Andrew.

Ayaw na sana naming maglinaw, pero ang salitang “ayuda” ay “tulong” o ‘assistance’ at hindi bayad. Household name po ito sa loob ng dalawang taon, mula nang pumutok ang pandemya dulot ng COVID-19.

Ang lahat ng nilalaman ng buong item ay base sa mismong sinabi ni Andrew sa live interview namin sa guesting niya sa aming progam, na inere noong August 23, ang “Walang Basagan” kasama ang mga kapwa ko host na sina Jigo Postolero, at Atty. Claire Castro.

Malinawag din sa sikat ng araw na ang intensyon ng aming panulat ay para tulungan si Andrew na maipaabot ang kanyang pasasalamat sa maraming taong tumulong, tumutulong at tutulong pa sa kanyang pinagdadaanan.

Wala kaming intensyon o ang Abante na guluhin o isalang sa isang alalahanin si Andrew, bagkus ay hinahangaan pa namin ang kanyang katatagan sa pagharap nito at paninindigang maitawid ang laban ng kanyang asawa para mabuhay.

Nagpapasalamat kami kay Andrew sa pagtawag niya sa aming atensyon. Dahil dito mas lalo naming paghuhusayan, pag-iingatan ang paghahatid ng mga balita, panulat, panayam sa mga kilalang personalidad sa local na aliwan na mababasa sa entertainment section ng Abante.

Sunshine lumambot puso kay Cesar

Tuluyan na ngang binuksan ni Sunshine Cruz ang pintuan nang pakikipag-ayos sa dating asawang si Cesar Montano.

Ang daming naluha, natuwa na makitang muli sina Cesar, Sunshine na magkasama sa 18th birthday ng anak nilang si Samantha Cruz. Bonus pa na kasama rin nila ang iba pang anak na sina Angeline at Cheska.

“In God’s perfect time always. Happiest 18th birthday @samcruzm. We love you,” sabi ni Sunshine.

Naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Cesar at Sunshine nang mag-demanda ang huli sa asawa sa ilang mga kaso.

Naramdaman ng mga netizen ang paglambot ng puso ni Sunshine, sa mga post ng anak na kasama na nila ang kanilang ama.

Pero siyempre, dumalo rin sa party ang romantic partner ni Sunshine na si Konsehal Macky Mathay.

The post Andrew Schimmer kahanga-hanga ang katatagan first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/hWyvLkA
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada