Apinan, Batangas balikwas

PASIKLABAN sina Jeckster Apinan at Roldan Sara, pero sa katapusan sa una ang huling halakhak, giniyahan ang Batangas City na senglutin ang Manila, 67-61, sa OKBet Xtreme 4th Maharlika Pilipinas Basketball League regular season game Sabado ng gabi sa Strike Gymnasium sa Bacoor City.
Nagbaon si Apinan ng 13 points at 9 rebounds sa 20:38 job upang iresbak ang Embassy Chill sa 62-57 olats kontra Pampanga Giants Lanters noong Agosto 6 para sumampa sa 11-1 win-loss rekord at sementuhan ang pamumuno sa South Division.
Umiskor din si Roldan ng 13, may 3 assissts at tig-1 rebound at steal sa kayod na 26 minuto at 43 segundo, pero dehins naisalba ang Stars na sumubsob sa barahang 6-7, nalaglag din sa pampitong puwesto sa North Division.
Pumukol naman ng 14 puntos si John Cantimbuhan, Jr. nang akayin ang Muntinlupa Cagers (7-6) sa pagtumba sa Valenzuela XUR Homes Realty Inc. (2-7), 85-80. (Ramil Cruz)
The post Apinan, Batangas balikwas first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/JPBinKW
via IFTTT
Comments
Post a Comment