Bongbong pinuri Gilas Pilipinas

MALUGOD na pagbati ang ipinarating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bumubuo ng Gilas Pilipinas sa kanilang panalo kontra Saudi Arabia 84-46 sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers Lunes ng gabi.

“Binabati natin ang Gilas Pilipinas sa kanilang panalo laban sa koponan ng Saudi Arabia sa naganap na FIBA World Cup Asian Qualifiers game kagabi,” pahayag ni BBM sa kanyang opisyal na Twitter account.

Nasaksihan nang live ni Pangulong Marcos ang nasabing laro ng Gilas na ginanap sa SM Mall of Asia Arena kung saan ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng oras na manood ng basketball ang Chief Executive.

Kumpiyansa ang pangulo na gagawin ng Gilas ang lahat ng kanilang makakaya upang makapag-uwi ng karangalan sa basketball buhat sa naturang torneo na kung saan ay host ang Pilipinas kasama ang Indonesia at Japan sa 2023 FIBA World Cup.

“Kumpiyansa tayo na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para makapagdala ng karangalan sa bansa,” ayon kay Marcos. (Prince Golez)

The post Bongbong pinuri Gilas Pilipinas first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/nbTQeDV
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada