‘Darna’ aagawin trono ni Ivana

Mukhang hindi lang pagiging modern Darna ang pagkakaabalahan ni Jane de Leon dahil sasabak na rin siya sa vlogging base sa ipinost niyang teaser ng kanyang YouTube channel.
“I’m excited to share with you this journey. So let’s feel the wind, ride the waves, and see where they take us—Your Jane,” sabi ni Jane.
Sa mahigit dalawang minutong patikim ng aktres, makikita ang tila paghahanda niya para sa isang photoshoot na nag-transition sa isang beach. May mga kuha rin na para bang nagro-roadtrip siya at nagi-enjoy sa isang swing.
Personal din ang binitawan niyang mensahe sa video, na nangangahulugang buhay niya sa labas ng showbiz ang itatampok sa vlog.
Magandang paraan ito para mas makilala ng fans at viewers si Jane, na nalalapit na nga ang paglipad bilang paboritong Pinoy superheroine sa “Mars Ravelo’s Darna” ng ABS-CBN sa August 15.
Sunod-sunod na nga rin ang paglalabas ng teaser para sa mga bidang karakter sa serye na lalong nagpapa-excite sa viewers. Matapos ang trending na introduksyon kay Janella Salvador noong weekend, ipinakilala na rin ang mga gagampanan nina Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, at Iza Calzado.
Magiging love interest ni Jane si Joshua na gaganap bilang pulis na si Brian sa serye. Si Zaijian naman ang magbibigay-buhay sa sidekick at kapatid ni Darna/Narda na si Ding, at si Iza ay si Leonor, ang nanay ni Narda na magpapasa ng bato sa kanya bilang makabagong Darna.
Well, nakaka-excite naman talaga ang bagong serye na ito ha! For sure, marami ang ‘di na makapaghintay sa premiere lalo na sa magiging itsura nina Jane at Janella kapag naka-costume na sila bilang Darna at Valentina.
Teka, mukhang tatapatan na ni Darna si Ivana, ha! Malampasan kaya ni Jane ang matayog na lipad ni Ivana sa YouTube?
Abangan! (Dondon Sermino)
from Abante https://ift.tt/qSbUGFh
via IFTTT
Comments
Post a Comment