Dedma na sa showbiz, alak: Ellen sa 2024 pabubuntis kay Derek

After a long time, nakita ko ulit ng personal si Ellen Adarna Ramsay.
At in fairness, ang positibo ng aura niya, ha!
Gone are the days na parang palaging messy ang look niya. Ngayon, mas madalas siyang nakangiti, at ramdam mong masaya sa buhay niya.
Kaya nga hindi kataka-taka na wala na talaga siyang planong bumalik sa showbiz. Pero, okey na okey sa kanya ang mga endorsement tulad ng Xmeal (Rana Pharmaceutical, Inc.), na multigrain & beans vanilla flavored drinks, with goodness of seaweed.
So, kahit ano bang proyekto sa TV, wala talaga siyang planong bumalik?
“I’m still here pa naman! I’m open to guesting naman. Pero ‘yung lock in na one month, even one week, hindi talaga. Full time teleserye, no! Hahahaha!” sabi ni Ellen.
Eh, pelikula?
“Siguro mas puwede pa!” sagot niya.
So, wala talaga siyang nami-miss sa showbiz?
“Honestly, no one will miss going home at 5:00am!” sagot niya.
Pero, iba na raw ngayon, may mga cut off na sa taping, shooting?
“Nag-try ako noong pandemic, ganun pa rin eh. Kaya nga ako napasubo, kasi iba na pala. Sabi ganito lang. Hmppppp!
“From what I’ve experienced, ayoko talaga muna. Hahahaha!” sabi ni Ellen.
Paano kung with Derek ang proyekto?
“No! Ayokong magsama kami. Walang mangyayari, magtatawanan lang kami.
“Ang daming offers actually, pero hindi ko na kaya!” sabi niya.
At sabi nga, hindi naman daw kailangan nina Ellen at Derek ang magtrabaho. Sapat na ang ‘yaman’ nila para mabuhay sila ng maginhawa, sa mahabang panahon.
“Hahahaha! I don’t know how to answer that. Pero stable. I can provide, I get the things that I need. Not want, but need!” saad ni Ellen.
Isang bagay rin kung bakit positibo ang awra ni Ellen ay ang pag-iwas na niya sa mga bisyo. Aminado nga siya na lasengga siya noon.
“Nag-iba na ang lifestly ko. Hindi na ako maalak! Hahahaha!
“Noon, lasengga ako. Party-party.
“Of course, may mga responsibility na ako ngayon!
“Hindi ko naman kini-crave. Hindi talaga. Kasi noong bata pa naman ako, tinodo ko na rin, eh. Sinagad ko na talaga. And tired na ako!” nakakaaliw na chika niya.
At siyempre, plano na rin nila ni Derek na mag-baby. Wish nila na ‘Dragon baby’ dahil pareho nga sila ni Derek na pinanganak sa ‘Year of the Dragon’.
“Plano sana namin this year. But na-realize ko, pag next ako manganak… Dragon na lang, kasi according to Chinese, masuwerte ‘pag tatlong dragons in the house.
“Eh, 2024 pa ang Year of the Dragon. So, next year ako magbubuntis!
“Gusto ko girl. Kasi, one last na lang. I have Elias na!” sabi niya.
Super sarap nga ng buhay ni Ellen ngayon, na ang dami nga raw nabago, mula noong mag-asawa siya.
“Biggest change ngayon, may extra na nag-aalaga kay Elias. I get a lot of like rest! Hahahaha! Clingy kasi si Elias. Noon puro mama, mama lang. Now, if I want my ‘me time’, nandiyan naman si Derek. Hahaha!” sambit pa niya.
At siyempre, super laki raw nang naitulong sa kanya ng Xmeal, kung bakit masaya, masarap, maginhawa, at seksing-seksi pa rin siya ngayon. Noon daw una niyang makita ang Xmeal, nag-try na siya, at bumibili talaga siya. At heto na nga, endorser na siya ngayon.
“Sa Xmeal mahilig ako magsubok ng kahit anong brand na healthy. May mga times kasi na tinatamad akong kumain. Hahahaha! But I have to eat. So, nag-try ako. At effective siya sa akin!” sabi lang ni Ellen.
Well, dapat ngang abangan ang mga bago pang pasabog ni Ellen sa tulong siyempre ng Rana Pharmaceutical, Inc..
The post Dedma na sa showbiz, alak: Ellen sa 2024 pabubuntis kay Derek first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/S1eQoXY
via IFTTT
Comments
Post a Comment