Donovan 7 player kapalit sa Knicks

PURSIGIDO daw ang New York na makuha si Donovan Mitchell mula sa Utah, ayon sa ulat ni Shams Charania ng The Athletic.

Wala pang nangangamoy na deal, pero nag-propose daw ang Knicks ng bagong package kay Jazz CEO Danny Ainge.

Ipinain daw ng New York sina Evan Fournier, Obi Toppin, limang first-round draft picks at mas mataas na sahod.

Kaya lang, malaki rin ang asking price ng Jazz.

Garantisado pa ang tatlong taon ni Mitchell sa Utah kaya kung walang mangyari ay pwede pang gamitin ang guard sa susunod na season habang naghihintay ng trade discussion.

May mga ulat ding interesado kay Mitchell ang Charlotte Hornets at Washington Wizards pero wala pang malinaw na direksiyon. (Vladi Eduarte)

The post Donovan 7 player kapalit sa Knicks first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/NhKeoBm
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada