Eazacky, Gomezian patok sa 3YO Race

MAGTATAGISAN ng bilis ang anim na batang kabayo kabilang sina Eazacky at Gomezian sa 2022 Philracom “3-Year-Old Sprint Race” na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
May distansyang 1,000 metro, maakakalaban nina Eazacky na pag-aari ni Ezel Besamis at pambato ni horse owner Alfredo Santos, at Gomezian, sina Club Kensai, Enigma Uno, Palauig at Roaring Kanyon.
“Lahat ng kasali ay may mga angking galing kaya tiyak walang magsi-single bet diyan kapag gumawa ng winner take all,” saad ni Leopoldo Vicente, veteran karerista.
Gagabayan ni jockey John Alvin Guce si Eazacky habang si class A rider Oneal Cortez ang gagabay kay Gomezian sa karerang nakalaan ang guaranteed prize na P1M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Susungkitin ng owner ng mananalong kabayo ang P900,000 habang hahamigin ng second, third at fourth placers ang tig P337,500, P187,500 at P75,000 ayon sa pagkakahilera.
Mag-uuwi rin ng P75,000 ang breeder ng winning horse, tig P45,000 at 30,000 ang second at third. sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) na pinamamahalaan ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa)
The post Eazacky, Gomezian patok sa 3YO Race first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/dcR6hD9
via IFTTT
Comments
Post a Comment