Ejay, Jana pakakasal na

Sa simbahan na nga ang tuloy ng relasyon nina Jana Roxas at Ejay Falcon nang makuha ng aktor at ngayo’y Oriental Mindoro vice governor ang matamis na “I do” ng kanyang nobya.

Isinabay ni Ejay sa selebrasyon ng kaarawan ni Jana ang pag-aalok ng kasal dito. Buong puso namang tinanggap ng aktres ang singsing mula sa kanyang boyfriend for 6 years.

“Siyempre alam ko birthday mo ngayon, pero ibigay mo naman sa akin ang pagkakataon na ito na ako naman ang may hilingin.

“Baby, gusto kita makasama habang buhay. Will you marry me?” sabi ni Ejay.

Teary-eyed namang napa-Yes si Jana.

Kasunod na nito ang hiyawan ng mga imbitado sa birthday salubong party ng aktres na ginanap sa Mindoro nitong Linggo.

“In God’s perfect timing. I have had 32 birthdays in my lifetime but this so far has the best gift ever. The gift of forever,” caption ni Jana sa kanyang Instagram post.

Unang nagkakilala ang magdyowa sa Pansol, Laguna sa isang housewarming party.

Wala pa namang naka-set na petsa para sa pag-iisang dibdib ng dalawa, ngunit ang mahalaga ay naniniwala sila sa kasagraduhan ng kasal. (Batuts Lopez)

The post Ejay, Jana pakakasal na first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/cMGbyZe
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada