Enchong nagpa-yummy sa IG

Kapag guwapo at confident ka sa looks, anumang hairstyle ng isang lalaki ay babagay sa’yo. ‘Yan nga ang pinatunayan ni Enchong Dee, na ngayon ay semi-kalbo.
Nag-post si Enchong ng “new movie, new look” sa Instagram. Before and after nga ang naturang clip na mula sa buhok na messy ay nagpagupit siya ng semi-kalbo, naka-sunglasses at topless.
Ang hot at yummy niya nga, kesehodang kalbo na siya! ‘Yan ang nagkakaisang komento ng kanyang mga follower at maging ng ilang celebrity gaya nina Ria Atayde, Kyle Echarri at Jerome Ponce.
Nagbiro pa nga si Kyle na lalo silang naging magkahawig ni Enchong.
“I always knew we were identical,” sabi ni Kyle.
Na sinundutan pa ni Jerome na, “Looking great bro @kyleecharri.”
Sumang-ayon din ang mga netizen na magkahawig nga ang dalawa.
May pa-hashtag pa si Enchong na #TheFisher. Ito kaya ang title ng bago niyang project?
Well, malalaman natin ‘yan sa mga susunod na updates ni Enchong. (Batuts Lopez)
from Abante https://ift.tt/8B6IPqr
via IFTTT
Comments
Post a Comment