Fuentes aarangkada sa San Juan Knights

Mga laro ngayon: (Muntilupa Sports Complex)
5:00pm — Laguna vs Bataan
7:00pm — San Juan vs Bacoor
9:00pm — Sarangani vs Muntinlupa
PANGUNGUNAHAN ni Judel Fuentes ang San Juan Knights upang ipagpatuloy ang kanilang winning streak sa pagpapatuloy ng OKBet Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Biyernes sa Muntinlupa Sports Complex.
Haharapin ng San Juan Knights ang Bacoor Strikers ganap na alas-7 ng gabi, una rito ay ang sagupaan sa pagitan ng Bataan at Laguna Krah Heroes muna sa alas-5 ng hapon.
Tapatang Sarangani naman at ang host na Muntinlupa ang papagitna ganap na alas-9 ng gabi.
Galing sa tatlong sunod na panalo ang San Juan Knights at planong ipagpatuloy ito sa tulong ng kanilang mga pambato na sina Fuentes at Michael Calisaan.
Ang San Juan ay kasalukuyang may 6-4 win-loss rekord sa North division, habang ang Bacoor ay nais na makaisa upang maiangat ang kanilang standing na ngayon ay nasa 2-5 rekord sa South.
Samantala, target ng Sarangani ang kanilang ikawalang panalo upang iangat ang 7-2 rekord sa North division, habang ang Bataan naman ay sisikapin na manatili sa kontensiyon sa kanilang 6-2 slate. (Annie Abad)
The post Fuentes aarangkada sa San Juan Knights first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/rB5JNPp
via IFTTT
Comments
Post a Comment