Maggie, Tim nagpakilig sa IG


Aware kaya si Tim Connor kung gaano na siya kasikat sa Pilipinas? Na ang daming babae ang nagugwapuhan sa kanya?
Na ang mga fan ni Maggie Wilson ay nakabuo na ng ‘love team’ na TimMaggie. Na akala mo nga ay mga baguhan silang artista na gagawa ng pelikula.
Anyway, marami nga ang nagsasabi na sobrang bagay na bagay sina Tim at Maggie. Na kapag magkasama sila ay rumerehistro talaga ang kaligayahan sa kanilang mga mukha.
Tulad na lang sa Instagram story ni Tim, na kung saan ay super busy si Maggie na lumalafang, habang si Tim ay nakatitig lang sa cellphone camera.
“Learning how to Instagram,” ang chika lang ni Tim.
Kaaliw ang eksena na tinanong niya si Maggie kung ‘What will I do?’ na sinagot ni Maggie na parang ‘wala lang’ base sa kanyang hand gestures.
Ang cute rin ng mga photo ni Tim na parang ginagaya niya ang mga pose/post ni Maggie, ha! Kaya nga payo sa kanya ng mga faney, dapat may pa-caption, o hashtag siya na #poselikemaggie.
Well, mababasa rin ang komento ng mga fan na sure silang may mga magri-react na naman sa mga IG story, photo nina Maggie at Tim.
Blythe inilapit ni Ricci sa Diyos
In fairness, hindi lang naman puro date, swimming, harutan, ang ganap sa relasyon nina Andrea Brillantes, Ricci Rivero.
Mas malalim pa sa ganun lang ang chika nilang dalawa.
Makikita nga sa parehong Instagram story nila ang pakikinig sa aral ng Diyos. Makikita nga ang photo nila na magkayakap at dumalo nga sa Bible study.
“Sunday service with my bebe,” sabi ni Andrea.
Siguro naman, hindi na paglalaruan ng mga basher ang ganitong post ni Andrea, ha! Hindi naman ito pabebe lang, o nagbi-baby talk lang, dahil pinakita rin nila ang magandang samahan sa kanilang pagmamahalan.
Na ang sentro rin naman ng relasyon nila ay ang Diyos.
Sa tingin ko, magandang impluwensiya si Ricci kay Andrea, dahil obyus naman na si Ricci ang may kinalaman kung bakit nandoon sila. Nakasama rin kasi nila ang isa pang atleta, si Rachel Daquiz, kaya alam mong may kinalaman sa grupo ng mga manlalaro ang Sunday service na `yon.
from Abante https://ift.tt/K0Tamut
via IFTTT
Comments
Post a Comment