Matapos iwanan ng boylet: Zeinab Harake mabango, matingkad na ang mga ngiti

Iba rin talaga ang karisma ni Zeinab Harake. I’m sure, sising-sisi ang boylet na nang-iwan sa kanya para sa ibang babae.
Well, sinimulan na nga kasi ng Beautéderm Corporation ang month-long 13th anniversary celebration, sa opisyal na pag-launch kay social media star Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador sa pamamagitan ng Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair.
Dahil ito ay developed, tested, at manufactured sa Japan, ang KO-REI-SU ay kumbinasyon ng mga Nihongo na salita na KOKOTARU (bright), URESHII (happy), at TISU (teeth).
Layunin ng Beautéderm na gawing isang top tier oral hygiene essential ang Koreisu Family Toothpaste dahil ito ay fluoride-free at triclosan-free na mayroong very minimal ingredients na dahilan kung bakit ito ligtas gamitin at epektibo para sa buong pamilya.
Gawa ang Koreisu sa Sodium Bicarbonate (baking soda) kaya naman ligtas itong alternatibo sa mga commercial toothpastes ng hindi sinasakripisyo ang mga anti-plaque benefits habang nilalabanan ang tooth-decay na nagdudulot ng bacteria. Ang brand na ito ay whitening toothpaste din na mayroong activated charcoal na nagtatangal ng mantsa sa ngipin at ‘di kanaisnais na amoy.
Ang Etré Clair naman ay ay mga produkto ng antibacterial mouthwash at mouth spray na bahagi ng all-natural oral care products ng Beautéderm. Gawa sa 100% na organic na mga sangkap, ang Etré Clair ay isang minty breath freshener na may mabisang antibacterial at antiseptic properties na pumapatay ng bacteria at nilalabanan ang bad breath. Gaya ng Koreisu, pinapaputi din nito ang ngipin sa pagtanggal nito ng mga mantsa at pinapatingkad din niya ang mapusyaw na ngipin para sa isang vibrant, at mas confident na ngiti.
Bilang isang certified star na may humigit na 50 million na followers across platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-influential na personalidad sa social media ngayon sa pamamagitan ng kanyang mga lifestyle vlogs at challenge na paborito ng mga netizens ‘di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin.
Bilang isang batang artista, mahalaga para kay Zeinab ang dental at oral health na madalas niyang banggitin sa kanyang vlogs kaya naman swak na swak na siya ang brand ambassador ng Koreisu and Etré Clair.
“Para sa akin, kailangan nating alagaan at i-prioritize ang oral hygiene. Palagi kong pinapaalala sa viewers ng aking vlogs na kailangan nating mag-sipilyo tatlong beses sa isang araw.”
At sobrang ligaya ni Zeinab ngayong opisyal na siyang bahagi ng pamilya ng Beautéderm.
“Malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. Ramdam ko ang pagmamahal nila nung sinalubong nila ako,” sabi ni Zeinab.
“Grateful ako sa tiawala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang -iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginamit ko noon. Perfect din ang Etré Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko dito at pinoportektahan pa nito ang aking bibig in an instant. I could really feel that my teeth and gums are fully protected with Koreisu and Etré Clair…nasa next level talaga sila.”
Ang Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan naman ay excited na makasama si Zeinab sa lumalaking pamilya ng Beautéderm.
“Very welcome addition si Zeinab sa maing pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot naming ang mas bata at mas malakwak na merkado dahil sa kanyang kamangha-manghang platforms,” ayon kay Rhea. “Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador.”
Mensahe naman ni Zeinab, “Maligayang 13th anniversary kay Mommy Rei at sa aking Beautéderm family. Excited na po akong mag-celebrate ng marami pang anniversaries sa piling ninyo. I am 100% sure that there will be more and more support for Beautéderm and I am honored to be a part of that.”
Well, ipakita mo na ang iyong brightest, happiest teeth, at lasapin ang kumpletong oral care package kasama ang Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair ng Beautéderm.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Koreisu Family Toothpaste at sa Etré Clair at pati na rin sa mga kapana-panabik na balita tungkol kay Zeinab Harake, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at @beautédermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm sa YouTube. (Dondon Sermino)
from Abante https://ift.tt/40tZWqN
via IFTTT
Comments
Post a Comment