Max gagawa ng pelikula sa Amerika


Nagkaroon ng pa-surprise birthday party para kay Max Collins ang mga kaibigan niya, kabilang na rito ang isa pinakamalapit niyang kaibigan ngayon na si Rhian Ramos.
Ang alam daw ni Max, mag-staycation lang sila sa Okada Manila, pero pagpasok niya, naka-set-up ito, with all her friends at may mga paandar pa. May Marina Summers din na inimbitahan.
Naka-chat namin si Max at masayang-masaya nga raw siya. Sey niya, “My friends surprised me with intimate party at Okada, I was so happy that Marina Summers from Drag Race Philippines performed pa.”
Sa ngayon, kung may birthday wish daw si Max, talaga ang gusto niya ay sana raw, magkaroon siya ng international project this year. Few months back nga, nag-audition din siya sa U.S.
Pero ayon din kay Max, meron daw siyang exciting project na paparating, pero confidential pa. Pero goal niya ay makagawa pa ng maraming films at mas mag-grow as an artist.
Ang asawa at matagal na nababalitang kesyo hiwalay na sila na si Pancho Magno ay nag-greet naman sa Instagram nito kay Max na, “Happy Birthday Mommah.” Nireplayan ito ni Max ng tatlong hearts emojis.
Chynna naka-jackpot kay Kean
Sino nga ba ang mag-aakala na magsu-swak ang mga personalidad nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano. Tuwing kausap nga namin si Chynna, palagi niyang nababanggit na alam naman daw niya kung ano ang reputation ni Kean lalo na pagdating sa mga girls.
Pero ‘yun nga, sa mga ‘di nakakaalam, napaka-simple lang din talaga nila as family with their two kids—Stellar and Salem. At sa kabila ng pagiging matibay ng relasyon nila, meron pa silang growing company, ang O/C Records na ang dami na rin nilang mahuhusay na talents.
Napangatawanan nina Kean at Chynna ang hashtag nila no’ng ikinasal, “TillDeathWeDoArt.”
Nag-post si Chynna ng Instagram stories ng picture ni Kean. At sa caption niya, sinabi niya na buti na lang daw talaga, tinuloy nila ang relasyon at nagpakasal sila.
At kung sakali raw siguro na hindi sila nag-end-up, sa isipan niya, si Kean pa rin ang pakakasalan niya.
“I we didn’t get married and ended up seeing each other randomly on separate occasions, I think I’d still marry you in my head. I love you! Glad we quit the bullshit and just went for it!”
from Abante https://ift.tt/G6W130T
via IFTTT
Comments
Post a Comment