Milyones ni Jimmy Bondoc nilamon ng apoy

Nasunugan ang OPM singer na si Jimmy Bondoc at malaking halaga ang nasunog na mga musical equipment niya sa kanyang studio.
Sa kanyang Facebook account ay pinakita ni Jimmy ang natamong pagkawasak ng kanyang studio at sa mga naipundar niya sa mahabang panahon na pagiging isang musician.
“Just had a fire in my studio. We are safe. But I lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years! The Lord giveth, the Lord taketh away. I am blessed to be alive. Asking for your prayers.”
Pinakita rin ng Let Me Be The One singer ang naging cause ng sunog sa kanyang studio na nagsimula sa isang electrical outlet.
Sa kabila ng mga nangyari, mas naisip pa ni Jimmy na tulungan ang dalawa niyang kaibigan na mas higit na nangangailangan at nakiusap ito sa lahat ng gusto magpaabot ng donation sa kanya na ibigay na lamang ito kay Atty. Bruce Rivera at Jamie Jem.
Sey ni Jimmy: “Kahit nasunugan po ako, ang dami pong mabuting tao. Siguro po, I lost a million pesos worth of equipment. Ang dami tuloy gusto tumulong. Wag n’yo sana isipin na nagpapaka “banal” ako. Pero ‘yung gamit, kakayod na lang ako para mabawi. May I earnestly ask instead na mag-donate po kayo sa dalawang kaibigan ko.”
Thankful naman si Jimmy sa lahat ng tao nag-aalala at hindi nagdalawang-isip na damayan siya matapos siyang masunugan.
“I am sending my gratitude to all of you, sa mga tumutulong, at sa mga tumatawag dahil sa pag-aalala. I love this Life. We are so blessed to be here. Thank you for your embrace. Strive to be happy.” (Ruel Mendoza)
from Abante https://ift.tt/YB0s9aI
via IFTTT
Comments
Post a Comment