Primetime King: Joshua ‘inagawan’ ng trono si Daniel

Binansagan na ngang Primetime King si Joshua Garcia matapos ang pilot week ng “Mars Ravelo’s Darna.

Sinabi ito ng host na si Bianca Gonzalez sa programa niyang “Cinema News” sa Cinema One YouTube channel.

Maliban sa trending na paglipad ni Darna, pinag-usapan din ang karakter ni Joshua na si Brian Robles. Samu’t sari ang puri kay Joshua para sa kanyang performance bilang isang police officer at binatang pag-aagawan nina Narda (Jane de Leon) at Regina (Janella Salvador).

Masaya rin ang Kapamilya viewers dahil back-to-back pa nga raw ang leading men heartthrobs dahil bida naman si Daniel Padilla sa “2 Good 2 Be True.”

Dahil alam ng marami na matalik na magkaibigan si Joshua at Daniel, na-curious si Bianca kung may kompetisyong namamahagi sa kanilang dalawa. Parehong namamayagpag kasi ang mga seryeng pinagbibidahan nila at magkasunod pa ng timeslot.

Sagot ni Joshua, “Hindi na namin iniisip na may kompetisyon. ‘Pag trabaho, trabaho lang kami. Gawin namin ‘yon professionally.”

Binahagi rin niya kung gaano ka-strong ang friendship nila ni Daniel, “Pagkatapos ng lock-in, magkikita-kita kami. Parang wala nangyari… Kumbaga lalabas kami ng Maynila, punta kami Batangas at mag-golf kami at inom ng kaunti… Mas nanaig talaga ‘yung pagkakaibigan namin.”

Minsan nga ay humihingi pa raw ng advice si Joshua kay Daniel. Aniya, “Ako kasi mahilig din ako makinig. Okay sa akin na pinapayuhan ako. And si DJ ‘yung parang mahilig magpayo. Palagi niya ako pinapayuhan. Nakikinig talaga ako sa kanya.”

Napaka-supportive naman pala ni Joshua at Daniel sa isa’t isa! Matutuwa na naman ang fans sa kanilang solid na bromance.

Mapapanood ang “Mars Ravelo’s Darna” tuwing 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Jeepney TV, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Pagkatapos nito ay umeere naman ang “2 Good 2 Be True.” Available rin ang episodes ng “2 Good 2 Be True” sa Netflix. (Dondon Sermino)

The post Primetime King: Joshua ‘inagawan’ ng trono si Daniel first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/vJmihS0
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada