Sarado utak sa mga Marcos? Gina walang balak suportahan ang ‘Malacanang’

Sobrang overwhelmed si Direk Gina Alajar sa role niya sa ‘Start Up PH’. Nag-enjoy siya ng sobra na napabilang daw siya sa cast, lalo at alam niyang marami ang nag-aabang nito.

Ang dami nga niyang kuwento tungkol sa mga kasamahan niya. Hindi raw sila nagkakasama ng madalas sa set. Iba raw kasi ang location niya.

Pero, kapag nagkikita raw sila, walang katapusang lokohan, kuwentuhan daw ang ginagawa nila.

Wala raw pasaway sa cast, lalo na sina Alden Richards, Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, na puro professional at mahuhusay na artistaw nga raw.

Ngayon din lang naranasan ni Direk Gina na dalawa ang direktor nila sa isang teleserye. Aminado siyang may mga sina-suggest siya na gawin para sa karakter niya.

Pero, kadalasan daw ay hinahayaan talaga niya ang mga direktor sa mga diskarte ng mga ito, dahil nahihiya raw siya na maging atribida.

Loveable naman si Direk Gina sa mga kapwa niya artista, direktor.

Siyempre, tuwang-tuwa siya sa chemistry nina Alden, Bea.

First time niyang makatrabaho si Bea at sobrang bumilib siya sa aktres. Si Alden naman daw ay super makulit sa set at madalas pinagtitripan ang ibang artista at crew ng ‘Start Up PH’.

Pero, sobrang tuwang-tuwa siya kay Nino Muhlach na madalas daw may mga dalang pagkain sa taping.

Anyway, tungkol naman kay Cherie Gil, December 2021 pa lang daw ay alam na niya na may sakit ito, pero hindi raw nila masyadong pinag-uusapan sa pamilya.

Nakikibalita na lang daw siya sa mga anak niya. Kaya nagulat siya nang nalaman niyang namatay na ang mahusay na aktres.

Eh, nagkausap pa lang daw sila kamakailan.

Siyempre, natanong si Direk Gina tungkol sa ‘Maid In Malacanang’. Hindi pa raw niya napapanood ito, at wala raw siyang balak panoorin ito.

Ang sa akin lang naman, bakit kaya hindi niya muna panoorin ito? Sarado na ba ang utak niya sa mga Marcos?

Jeric ‘di kinaya paghuhubad ni AJ

Dumalo ako sa private screening ng pelikulang ‘Sitio Diablo’ na palabas na ngayon sa Vivamax. Naloka ako na gang war ang tema, na puro patayan, at siyempre puro lantaran ng mga suso.

Nakakaloka ang mga boobs. Kaya malungkot ang mga bading dahil puro suso nga ang nakita nila.

Mula simula hanggang dulo, kundi patayan, ay dyugdyugan ang mapapanood mo.

Dumalo siyempre si AJ Raval na napakaseksi pa rin. Matagal na ngang napapabalitang buntis, pero sa mga eksena niya ay seksi talaga siya.

Kasama rin ang kapatid niyang si Ace Raval sa pelikula. Kaya naman todo suporta ang tatay na si Jeric Raval, na dumalo sa preview.

Pero, ano kaya ang reaksyon ng ama na lantaran ang mga suso ng anak niya? Pero, sabi naman niya, pumikit na lang siya sa mga paghuhubad ni AJ.

The post Sarado utak sa mga Marcos? Gina walang balak suportahan ang ‘Malacanang’ first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/Q3PHJ1a
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada