Senglot nanugod; mag-anak minartilyo, sinaksak

Kalaboso ang isang lalaki matapos nitong sugurin, batuhin ng martilyo at saksakin ang mag-anak na nagreklamo sa kanya sa kanilang barangay noong Linggo sa Valenzuela City.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law at Batas Pambansa Blg. 6 o illegal possession of deadly weapon ang suspek na si Henry Tanasas, 59, at residente ng Barangay Mapulang Lupa sa lungsod.

Samantala, hiniling ng pulisya na huwag ng pangalanan ang mga biktima na dinala sa Valenzuela City Medical Center para magamot sa tinamong sugat.

Nasugatan ang mag-asawa nang batuhin ng suspek ng martilyo ang lalaki sa balikat habang sinaksak naman nito sa braso ang babae. Hindi rin nito pinalagpas ang 13-anyos na anak ng mag-asawa at sinaksak ito sa kamay.

Ayon kay P/Lt. Jocelyn Ebora, hepe ng Women’s and Children Desk (WCPD), nanonood sa telebisyon ang mag-anak nang sumugod ang suspek bandang alas-siyete ng gabi. Rumesbak ang suspek nang ireklamo ito ng mga biktima sa kanilang barangay dahil sa pananakot nito sa kanila bunsod ng isang alitan. (Orly Barcala)

The post Senglot nanugod; mag-anak minartilyo, sinaksak first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/hz6J47w
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada