Sexton kursunada ng Dallas Mavericks

RADIO silence ang Cavaliers kung mananatili sa Cleveland si Collin Sexton.
Restricted free agent ang guard, wala pang kontrata. Pero pwedeng tapatan ng Cavs ang contract offer ng ibang teams sa 23-year-old.
May mga lumulutang na naghahanap ang team ng sign-and-trade para sa No. 8 pick nila noong 2018.
Ilan sa mga posibleng landing spot ni Sexton ang Utah at Dallas.
Pwede raw ibigay ng Jazz sina Patrick Beverley at Jarred Vanderbilt, may dalawang draft picks pa raw silang pwedeng ipain.
Nag-usap din daw ang Cavs at Mavs.
“The Cavs have had conversations with Dallas about a sign-and-trade for Collin Sexton,” rebelasyon ni Cavaliers insider Chris Fedor sa The Wine & Gold Talk podcast.
Sa Dallas, kakailanganin ni Luka Doncic ng ayuda sa backcourt ngayong napunta na si Jalen Brunson sa New York. (Vladi Eduarte)
The post Sexton kursunada ng Dallas Mavericks first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/xgK5LyC
via IFTTT
Comments
Post a Comment