Solo flight sa NYC: Andrea sabik na sa yakap ni Ricci

Kanya-kanyang eksena ang mga Star Magic artist sa New York, City, habang wala pa silang show (Star Magic 30 Beyond The Stars sa August 6).

Panay nga ang rampa nila, at kanya-kanyang paandar, ha!

Pero, sa kanilang lahat, super sad nga si Andrea Brillantes, dahil wala siyang kasamang dyowa.

Third wheel daw siya kina Donny Pangilinan, Belle Mariano, KD Estrada, Alexa Ilacad, na magkakasama nga.

Kaya si Andrea, kahit nasa gitna ng daan, gumigiling-giling para sa TikTok content niya. Ang daming naaliw, kinilig sa TikTok entry niya, dahil biglang-bigla ay sumulpot sa likod niya sina Belle Mariano at Donny Pangilinan, na nagsayaw-sayaw rin.

Pero siyempre, very Andrea, na pabebe nga, dahil sobrang miss na niya si Ricci Rivero.

“Pag-hug, kasi nami-miss ko ang dyowa ko, eh!” sabi ni Andrea kay Maris Racal.

“Bakit kamukha ko ba si Ricci?” tanong ni Maris kay Andrea.

“Hahahaha! Grabe ang biceps mo, bebe!” sabi ni Andrea.

Yes, super sabik na nga si Andrea sa mga yakap ni Ricci. Kaya kahit si Maris ay niyakap na niya.

“Day 2 and I miss my jowa!” sabi pa ni Andrea.

Sa Instagram story naman ni Ricci ay makikita rin ang photo ni Andrea. Kaya ang utos ng mga faney nila, sundan ni Ricci si Andrea.

KD, Alexa grabe yakapan, lambingan sa Brooklyn

Speaking of KD and Alexa, talaga namang maiinggit ka sa kanila, kung ikaw rin si Andrea.

Aba, walang ginawa ang dalawa kundi maglambingan, magtitigan, magyakapan sa Amaerika, ha!

Eh may paandar pa si Alexa na video ni KD, na ang caption ay hango sa kanta na, ‘You’re the sun, the moon. You’re my ocean, painted blue. You. I’m nothing with you…”

Oh, di ba? Sino ba ang hindi maiinggit na may kalambingan, kayakap, ka-holding hands ka habang naglalakad sa Downtown Brooklyn.

“Grabe kayo KDLex, hindi na namin kinakaya ang kilig. Salamat sa mga ayuda!” sabi ng mga fan nila.

Relationship reveal na: DonBelle todo holding hands sa New York

Pero ang mas bongga rin ang pasabog ay sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, ha! Na kahit ang tatay ni Donny na si Anthony Pangilinan ay kilig na kilig din, at panay nga ang tukso niya kay Belle.

“Uy, yung una may bag lang with letter D, tapos may reveal na. Class act! Who directed it? God bless your tour. We will see you guys soon!” sabi ni Mr. Pangilinan, na siyempre pa ay ang anak na si Donny ang tinutukoy na nagdirek ng mga photo ni Belle.

Anyway, bago nga pala sumakay ng eroplano ang DonBelle ay kalat ang mga photo nila na magka-holding hands na naglalakad.

At tukso rin ni Christine Babao, “So happy to see you have time for yourself as a couple.”

Dahil sa sinabi ni Christine, parang relationship reveal na nga raw ang mga photo na `yon, lalo na sa dulo na magkasama at magkatapat sila.

The post Solo flight sa NYC: Andrea sabik na sa yakap ni Ricci first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/j1r7yoY
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada