Tatler Story bet ng mga karerista

INAASAHANG ibubuhos ni Tatler Story ang lakas upang masilo ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.
Posibleng magdomina sa bentahan si Tatler Story dahil pinapatok siya ng mga karera tipster sa programa.
May distansiyang 1,200 metro, rerendahan ni star jockey Jeffril Zarate si Tatler Story kung saan makakatagisan nila ng bilis sina Himanshi, Winning Shot, Agaron at Headstrong.
Nakalaan ang added prize na P10,000 sa owner ng mananalong 3-year-old horse sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, pitong races ang pakakawalan ngayong araw ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), magsisimula ang karera alas-5 ng hapon. (Elech Dawa)
from Abante https://ift.tt/9wdecHR
via IFTTT
Comments
Post a Comment