Tiger Boy aabangan

MULING masisilayan ang kabayong Tiger Boy sa pagsalang nito sa Condition Race (18) na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Makikipagtagisan ng bilis si Tiger Boy laban sa limang tigasing kabayo sa 1,400-meter race.
Ayon sa komento ng mga karerista, posibleng magbigay ng laban kay Tiger Boy sina Liquid Gold at Critical Moments.
Sasakyan ni jockey Andreu Villegas, ang ibang makakaharap ni Tiger Boy ay sina Ambisioso, Electrify at After Party.
Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chaiirman Reli De Leon.
Samantala, siyam na karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya tiyak na masisiyahan na naman ang mga karerista sa kanillang paglilibang. (Elech Dawa)
from Abante https://ift.tt/9nwudMD
via IFTTT
Comments
Post a Comment