Tumagay sa kanto, inatake pagdating ng presinto

Patay ang isang 50-anyos na lalaki nang atakihin ito sa loob ng presinto ilang oras matapos itong arestuhin kasama ang anim na iba pa dahil sa pag-inom ng alak sa kalsada sa Intramuros, Maynila noong Martes ng gabi.
Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Maynila si JC Acuin, residente ng No.463 Legaspi St., Intramuros.
Sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng Intramuros Police Community Precinct ang grupo ni Alcuin nang maaktuhan silang umiionom ng alak sa kalsada na lantarang paglabag sa Revised Ordinance No. 5555 o drinking liquor in public place bandang alas-sais ng gabi.
Kinabukasan, dumaing si Alcuin sa jailer ng pananakit ng dibdib kaya mabilis itong isinugod sa pagamutan pero hindi na ito umabot ng buhay.
Wala naman nakitang anumang sugat sa katawan ang biktima na palatandaan na ito ay pinahirapan. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Tumagay sa kanto, inatake pagdating ng presinto first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/HgoSU56
via IFTTT
Comments
Post a Comment