Vice Ganda sinita nang-insulto sa mga ngongo, mongoloid

Natawa man ay may presence of mind pa rin talaga si Vice Ganda para suhetuhin ang contestant nila sa “It’s Showtime” na ginawang katatawanan ang may mga kapansanan.
Umakto nga ang isang contestant sa “Miss Q&A” na ngongo at mongoloid para patawanin ang audience. Pero hindi ito nagustuhan ni Vice kaya pinag-sorry niya ito sa ere.
“Oh ano? Nagulat kayo noh? Akala niyo ngongo ako noh? Mongoloid kaya ako!” patawa ni Dimple Solomon Ruiz.
Inawat na siya agad ni Vice Ganda. “Hoy hindi ‘yan ang intro mo sa rehearsals ah,” sey ni Vice.
“We would like to inform everyone that the views, opinions and the words of the candidates does not necessarily reflect the views and opinions of the host, the show and the network. In behalf of the candidate No. 3, ngayon pa lang ay humihingi na kami ng paumanhin sa maaring mga na-offend o hindi nagustuhan ‘yung mga sinabi niyang ngongo at mongoloid,” sabi ni Vice.
Nag-public apology naman ang contestant matapos sitahin ni Vice.
After ng contest, pinuntahan pa sa dressing room ni Vice ang contestant upang kamustahin at i-comfort ito sa awkward moment na ‘yon ng show.
Nagpasalamat naman si Dimple sa kind gesture na ito ni Vice. Napakabuti umanong tao ng unkabogable star. Nag-post ang contestant ng selfie nila ni Vice sa kanyang Facebook account.
Aprub naman sa mga netizen ang mabilis na aksyon ni Vice Ganda.
Kaugnay nito, pumalo na sa 7M ang mga subscriber ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel. (Batuts Lopez)
from Abante https://ift.tt/t8zjypE
via IFTTT
Comments
Post a Comment