Zia agaw eksena sa b-day ng ina: Marian ‘reynang-reyna’ sa puso ni Kathryn

Larawan ng very proud mother ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang panganay na anak na si Zia Dantes.
Kahit na si Marian ang nag-celebrate ng kanyang kaarawan, masayang-masaya itong i-share ang limelight sa kanyang unica hija.
Kaya naman sa Instagram account ni Marian, pinost niya ang pictures nilang mag-ina with caption na, “You make me proud in so many ways. Love you Z!”
Bukod kay Marian, ang isa pang very proud kay Zia ay ang kanyang ninang, ang isa sa bestfriend ni Marian na si Ana Feleo.
Ito ang nag-post ng video ni Zia habang kumakanta sa birthday party ni Marian.
At “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” pa ang talagang kinakanta. Nadidinig sa background ang boses ni Marian na sumisigaw na, “Anak ko ‘yan!”
At sa caption naman ni Ana, tinawag na nitong magiging singer si Zia. “When you realize your inaanak is a budding singer. Flash back to seven years ago when I was just shopping for baby clothes for her mother’s baby shower. I’m so proud of you Zia!”
Pinasalamatan din nito ang voice teacher ni Zia.
Anyway, present din ang mga Kapuso stat na sina Kathryn Bernardo, Sofia Andres sa birthday ni Marian. Super close nga si Marian sa dalawa.
At yes, queen nga ang tawag nina Kathryn at Sofia kay Marian.
John nabago buhay sa action serye
Nag-signed off na sa FPJ’s Ang Probinsyano ang halos buong cast ng longest running-serye sa ngayon.
Pagkatapos ng pitong taon, totoong namaalam na ito.
Si John Prats ay grabe ang pasasalamat sa ‘FPJ AP’ dahil bukod sa naiambag sa buhay niya, nabago rin nito talaga ang direksiyon ng career niya.
Aniya, “Isang karangalan ang magsilbi para sa ating manonood na Pilipino. Pumasok po ako sa #FPJsAngProbinsyano bilang isang aktor na naging concert director pero pagkatapos ng pitong taon ay lalabas ako sa show na ito na puno ng aral at karanasan, Ngayon ay bilang isa nang television director.”
Siyempre ang pasasalamat niya kay Coco Martin, higit sa lahat.
Aniya, “Maraming salamat po sa aking mahal na kaibigan @cocomartin_pg sa iyong paniniwala sa aking talento.”
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang lahat ng bumubuo ng programa.
At sa huli, sinabi niya rin na, “Grabe. Naglalaro lang ako ng action video games dati gaya ng Call of Duty at Uncharted at ngayon ay nagdidirek na ako ng isng action serye!!! Boom!”
The post Zia agaw eksena sa b-day ng ina: Marian ‘reynang-reyna’ sa puso ni Kathryn first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/imwDcVp
via IFTTT
Comments
Post a Comment