Zoren tinotoo ‘pagbugbog’ kay Lianne

Totoo raw ang mga sampal at pagtulak ni Zoren Legaspi kay Lianne Valentin sa isang matinding eksena nila sa top-rating afternoon teleserye ng GMA na Apoy Sa Langit.

Kailangan daw kasi ng genuine reaction ni Lianne sa kanilang eksena kaya ilang beses daw silang nag-rehearse ng kanilang blockings para maging tama ang timing ng mga sampal at pagtulak sa kanya.

“Yung eksenang binugbog ni Cesar si Stella, close sa pagiging totoo na ‘yun. Kahit na nag-rehearse kami, mas gusto ni Direk Laurice (Guillen) na natural ang dating at hindi technical o yung aral na aral namin ang mga galaw namin. Kaya noong mag-roll n ayung kamera, nandoon pa rin yung routine namin ni Zoren, pero may mga nadagdag para mas natural tingnan. Kaya yung mga sampal, totoo po siya! Eh ang laking tao pa naman ni Zoren kaya medyo maingat din siya sa akin. Nilabas ko lang lahat ng emotions ko sa eksenang iyon. Totoong mga luha iyon kasi nagsama-sama na ‘yung pag-arte at ‘yung naramdaman mong hirap sa pag-shoot ng eksena,” kuwento ni Lianne.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Apoy Sa Langit, sobra ang pasasalamat ni Lianne sa binigay na tulog sa kanya ni Direk Laurice para mabuo ang kanyang character na si Stella.

“She said ibang klaseng contravida si Stella kasi she’s young and her lover is much older. So bawal sa akin yung puro galit, puro sigaw. Sabi ni Direk Laurice, dapat, when given other villain roles, iba-ibahin ko yung flavors. Dito, yung emotional scenes ni Stella, she shows she does her nasty acts dahil sa pagmamahal niya kay Cesar, so biktima rin siya, ng pag-ibig. Sabi niya dapat si Stella, hindi sobrang sama, dapat tao pa rin ang dating niya. Sa start pa lang in the script reading, she already gave her inputs about our characters na naging malaking tulong sa akin because it’s my first time to work with an award-winning actress and director.”

Mabuti na lang daw at zero ang lovelife ni Lianne nang tanggapin niya ang teleserye, kaya wala siyang ibang inintindi kundi ang trabaho niya.

“Wala po akong boyfriend. May mga nanliligaw pero ayoko muna. Ang tagal kong hinintay ang ganitong big break sa career ko so I won’t just let it slip away. Focused muna ako totally sa trabaho.” (Ruel Mendoza)

The post Zoren tinotoo ‘pagbugbog’ kay Lianne first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/OlnuDVF
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada