Alex, Mikee panay lampungan sa UV express

Sinubukan muling ma-experience ni Alez Gonzaga ang mag-commute sa kanyang latest YouTube vlog. Sanay kasi siya na laging may service sa kanyang mga pinupuntahan.
Ang naabutan pa raw niyang pamasahe ay P40 from Taytay to Galleria.
Ilang means of public transportation ang sinakyan niya dito gaya ng tricycle, jeep at UV express.
At perfect din ang panahon noon dahil maulan. Mas lalong na-appreciate ni Alex ang hirap na dinaranas ng mga araw-araw sumasabak sa lansangan para magpunta sa kani-kanilang trabaho o paaralan.
Mula sa Taytay, Rizal ay nagpunta si Alex at ilang kasama sa The Fort dahil doon sila magkikita ng asawang si Mikee Morada para magsimba.
Una niyang sinakyan ang tricycle. Nagulat siya dahil sa may kataasan ang pamasahe nito, na inabot ng P70 palabas pa lang ng village nila. Para na rin daw silang nag-UV express.
Sunod nilang sinakyan ang UV express, na mas komportableng sakyan. Kuwento ng mga kasama niya, dito madalas ma-experience yung mga duma-da moves o mga nangma-manyak kapag type ang katabi. Gaya ng nagtutulog-tulugan at dumadantay sa kapwa pasahero.
Tapos nito, nag-jeep naman sila. Nagtaka pa siya sa isang pasahero na nakasabit, at nagtanong if pwede ba iyon. Siksikan na kasi at puno na ang jeep.
Nanlibre rin si Alex sa mga kapwa niya pasahero na nakasabay during the commute challenge. Pati mga drayber nito ay naambagan ng grasya mula sa aktres. Karamihan kasi sa mga ito ay umaaray sa mahal ng gasolina.
Na-experience din ni Alex ang maglakad sa mga overpass habang bumubuhos ang ulan, na halos normal nang nararanasan ng mga commuter.
Lumabas naman ang kulit lalo ni Alex nang magkita na sila ni Mikee. Pagsakay nila sa UV express, todo lingkis at panlalandi kunwari siya sa kanyang asawa.
Si Mikee na ang nahihiya sa mga kapwa nila pasahero sa pagpi-PDA ni Alex.
Halos idunggol na nga nito ang kanyang suso sa asawa, at may point pa na sinaway na siya nito dahil napakaingay nito habang nasa biyahe sila.
“Sobra ‘yun Catherine,” say ni Mikee, na tinawag na nga sa totoong pangalan si Alex, kaya gets na niyang galit na ang asawa.
Kahit pa nga medyo nahirapan ay masaya si Alex na muling na-experience ang pagko-commute.
“To all Pinoy commuters, saludo po sa inyo #kapitlang,” say pa ni Alex. (Batuts Lopez)
The post Alex, Mikee panay lampungan sa UV express first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/TJaSzp3
via IFTTT
Comments
Post a Comment