Anne araw-araw ‘ninanakawan’

Inspirado at ganado lagi sa buhay bilang ina si Anne Curtis dahil sa kanyang anak na si Dahlia Amélie.

Nasa toddler years kasi ang daughter niya, stage kung saan labas na labas ang kulit at ka-cute-an ng mga bata.

“Stealing my (heart emoji) every single day,” caption ni Anne sa IG reels niya kay Dahlia.

Mapapa-heart react ka talaga sa bibang si Dahlia na mahilig bumungisngis, maglikot, at fashionista na rin gaya ng kanyang ina.

Alagang-alaga ni Anne at ng kanyang asawang si Erwan Heussaff ang kanilang 2-year old daughter. Maaga nga nila itong isinabak sa pre-school upang mas maging maganda ang future nito.

Maging ang kanyang bayaw na si Nico Bolzico, asawa ni Solenn Heussaff, ay napa-comment sa post ni Anne.

“Tili is waiting for you Dahlia!” ani Nico. Halos magkasing-edad kasi ang kani-kanilang mga anak.

Siguradong miss na ng magpinsang chikiting ang isa’t isa dahil ilang linggo nang nasa Argentina si Tili para ma-meet ang relatives niya roon. (Batuts Lopez)

The post Anne araw-araw ‘ninanakawan’ first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/Wqf8O9H
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada