Arci nagpasilip ng ‘bulaklak’
Maluluma ang mga barako ng showbiz kay Arci Munoz, kung paastigan lang ng tattoo ang pagu-usapan. Tiklop ang sinumang astig na may mga tattoo kay Arci.
Hindi na bago sa aktres ang mga tattoo sa katawan dahil litaw naman ito sa leeg, kamay niya. Pero hindi sa binti, na ikinaloka ng kanyang mga tagahanga.
Sa latest Instagram post ni Arci, binahagi niya ang tattoo na sunflower sa likod ng binti. Hindi malala ang nasabing tattoo dahil maliit lamang ito na tamang-tama sa kanyang binti.
Ang nakakaloka lang sa mga netizen, sa tuwing magpu-post ng kanyang tattoo si Arci parang laging bagong lagay lang ito sa kanyang balat.
Asahan pa ang mga susunod na pagpapakita ni Arci ng iba pa nyang tattoo, kapag nagsawa na sya sa pagpu-post ng iba pang mga luma nyang skin art. (Rey Pumaloy)
The post Arci nagpasilip ng ‘bulaklak’ first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/xzWgAbC
via IFTTT
Comments
Post a Comment