Baby nabagsakan ng yelo, dedo

Isang sanggol ang maagang binawian ng buhay nang mabagsakan ito ng hailstone o malaking tipak ng yelo kasabay ng nararanasan ngayong hailstorm sa Girona, Spain.
Batay sa report, ang 20-buwang gulang na baby na naninirahan sa La Bisbal d’Emporda village ay nasawi nang aksidente itong mapuruhan ng yelo sa ulo na ang laki ay nasa 10 centimeter o 4 pulgadang diameter.
Bagamat mabilis na itinakbo sa ospital ang sanggol ay hindi na rin ito naisalba pa.
Bukod sa nasawing baby ay tinatayang 50 katao rin ang sugatan sa pananalasa ng hailstorm, ayon na rin sa local report.
The post Baby nabagsakan ng yelo, dedo first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/ZukqzJe
via IFTTT
Comments
Post a Comment