Eraserheads reunion concert kasado na

Kumpirmado nang magkakaroon muli ng reunion concert ang sikat na bandang Pinoy na Eraserheads nang maglabas na ang grupo ng official poster nito.

Nag-post si Marcus Adoro sa kanyang Instagram ng teaser poster na kalakip ang mga detalye ng paparating nilang concert.
Tatawagin itong “Huling El Bimbo 2022”.

“Tickets on sale soon!” base pa sa post ni Marcus kung saan magkakasama sila muling mag-jamming nina Ely Buendia, Raimund Marasigan at Buddy Zabala.

Ayon sa post, magaganap ang concert sa December 22, 2022 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

May ginawa ring Instagram, Facebook at Twitter account para sa naturang event para sa mga nais makuha ang detalye ng concert. Hanapin lang ang Huling El Bimbo 2022.

“Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?” post pa sa official IG account ng event.

Huling nagsama-sama sina Ely, Raimund, Marcus at Buddy noong March 7, 2008 sa SM MOA Concert Grounds na tinawag na “The Final Set”.

Nauna nang umugong ang usapan ng reunion nila noong campaign season nang magbiro si Ely Buendia na kapag tumakbo si noo’y VP Leni Robredo sa pagka-pangulo ay tuloy na din ang concert. Ngunit nang kumasa si Robredo, ani Ely, half-joke lang iyon.

Nagkawatak ang grupo noong 2002 sa hindi malinaw na dahilan.
Magsisilbi na ring Pamasko ito ng grupo sa kanilang nga fans dahil sa itinakdang petsa ng concert. (Batuts Lopez)

The post Eraserheads reunion concert kasado na first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/iUEGazI
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada