Fil-Am celebrity chef namigay ng maagang pamasko

Higit isang daang estudyante Baay Elementary School sa Batac City, Ilocos Norte ang nakatanggap ng maagang regalo mula sa Filipino-American celebrity chef na si Vallerie Castillo-Archer.

Nakatanggap ang mga grade 1 at 2 student ng mga bagong sapatos, bag at ilang school supply.

Umuwi sa bansa si Chef Val para mamahagi ng mga sapatos sa mga nangangailangang estudyante, partikular sa kanyang bayan sa Batac.

Malaki naman ang pasasalamat ng school principal na si Edaline Reyes sa ipinamahagi ni Chef Val para sa kanilang mga estudyante.

Sinabi rin ni Reyes sa panayam ng PNA na tamang-tama naman ang sorpresang mga regalo ni Chef Val dahil sa pagbabalik ng face-to-face class.

Isa lamang umano ang gift-giving program sa Baay sa mga inahanda ni Chef Val sa charity event habang nagbabakasyon dito sa Pilipinas.

The post Fil-Am celebrity chef namigay ng maagang pamasko first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/lzqbyIX
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada