Jaycee, Zamboanga umiskor

Nagsabwatan ang mag-utol na Marcelino na sina Jaycee at Jayvee upang buhatin ang Zamboanga na eskapuhan ang Bacoor 71-67 upang palakasin ang tsansa sa playoff sa pagpapatuloy ng OKBet-Xtreme 4th Maharlika Pilipinas Basketball League nitong Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Kumayod si Jaycee ng 14, 8 rebounds, 6 assists at 3 steals samantalang si Jayvee naka-11 markers, 6 boards at 3 feeds para isampa ang Chavacano dribblers sa 11-4 win-loss slate sa pagsegunda pa rin sa South Division.
Habang humaba sa apat ang pagragasa ng Zamboanga, lupaypay sa pangatlong dikit ang Strikers upang mapako sa pampito sa barahang 5-9.
Wagi rin ang Marikina (5-9) kontra Imus (4-10) 89-76. (Annie Abad)
The post Jaycee, Zamboanga umiskor first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/jz9QNkP
via IFTTT
Comments
Post a Comment