Juday, Rico Yan love team binuhay ng Star Cinema

Biglang nabuhay ang mga fan nina Judy Ann Santos, at ng namayapang aktor na si Rico Yan, ang ‘Kaytagal Kang Hinintay’, ha!
Nag-post nga ang b617management, na muli ngang ipalalabas ang movie na ito nina Juday, Rico.
“ABS-CBN Sagip Pelikula presents the digitally restored & remastered Kay Tagal Kang Hinintay (1998), directed by Rory B. Quintos, from the story of Mari Mariano, and from the screenplay of Olivia M. Lamasan and Mari Mariano.
“Join us on September 22, Thursday at 7:30 PM for the digital premiere of the restored version on KTX.PH!” sabi sa IG post.
At bongga nga dahil may special Spotlight Interview kay Judy Ann bilang pre-show!
Agad-agad nga ng nag-react ang mga Juday-Rico fan, na naalala nila kung paano sila kiligin noon sa dalawa. At handang-handa nga raw silang panoorin ito muli nang paulit-ulit, lalo at mas pinaganda na ang quality ng movie.
“My second movie with Star Cinema and Ms. Judy Ann!” pagbalik alaala ni Nikki Valdez.
“Nakaka-miss si Rico Yan! This is gold!” sabi pa ng mga fan. (Dondon Sermino)
The post Juday, Rico Yan love team binuhay ng Star Cinema first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/kzZi492
via IFTTT
Comments
Post a Comment