K Brosas tapos na problema sa bahay
Sa wakas nakalipat na rin si K Brosas sa pinatayong bahay, after ilang taon itong natengga.
Matatandaan na nagka-issue nga, na umabot pa sa demanda ang sitwasyon nila ng contractor, dahil bigla na nga lang daw itong hindi na nagpakita sa kanya, at tinangay pa ang ang P7M na dapat sana ay nakalaan para sa bahay.
Sa tweet nga ni K ay binalita niyang nakalipat na siya sa wakas sa naturang bahay.
“Naka-move in na officially keme!” sabi niya.
“Sensya na bathroom ko pa lang ang super-ayos hehe. Madami pang gamit na nakakalat kaya haggard. Thank you Lord,” sabi pa ni K.
Nagpasalamat din si K sa kanyang architect na tumulong sa kanya para matapos ang kanyang bahay.
Hindi naman nakapagtataka na natapos din agad ang kanyang bahay dahil sa dami niyang raket. Dalawa ang programa niya sa TV5 at madalas na rin siyang mag-concert abroad, ha! (Rb Sermino)
from Abante https://ift.tt/pRm9IBb
via IFTTT
Comments
Post a Comment