Liza, Newton BFF na ang turingan

Nakatagpo ng bagong BFF o best friend forever ang aktres na si Liza Soberano sa katauhan ng Hollywood star na si Kathryn Newton.

Nagkapalagayan ng loob ang dalawang magandang aktres nang magkasama sa shoot ng “Lisa Frankenstein”.

Sa isang Instagram post ni Kathryn kamakailan, nagkomento roon si Liza.

“Thank u to our Orange Whip Grips #LisaFrankenstein,” post ni Kathryn.

Tumugon naman ng tatlong heart emoji si Liza, tanda na sobrang love nito ang post ni Kathryn.

Nag-reply pa dito si Newton, at sinabing, “@lisasoberano sister 4 life.”

Tinawag pa nga ni Kathryn na “My loves” si Liza.

Natuwa lalo ang mga netizen at mga fan ni Liza na higit sa pagkakaroon ng kanyang unang Hollywood movie, naging matibay pa ang samahan ng dalawa.

Marami na ring kumakalat na photos mula sa kani-kanilang IG stories mula sa shooting ng “Lisa Frankenstein” na kasama ang ibang cast nito gaya nina Cole Sprouse, direktor nito na si Zelda Williams, producer nito at ang production team.

Last day na ng shooting nila nitong Sabado, base sa IG stories ni Liza kung saan binigyan pa siya ni Direk Zelda ng bouquet of flowers.

Ang inaabangan na lang ng mga fans ay kung kailan na ise-set ang showing ng “Lisa Frankenstein”. (Batuts Lopez)

The post Liza, Newton BFF na ang turingan first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/uW59O1B
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada