Marco bibida sa Singapore serye

Nakahinga nang maluwag at excited na si Marco Gumabao na finally ay puwede na niyang isapubliko ang proyektong kanyang tinatrabaho sa Singapore.
Napili pala ang aktor bilang bida sa isang serye na shinoot sa naturang bansa katambal ang Malaysian na si Tess Pang.
Inilabas ni Marco ang poster ng seryeng “The Girl He Never Noticed” sa kanyang Instagram.
“It’s finally out!!! I’ve been trying my best to keep this a secret for the past few months, but here it is!
“@sweetdreamer33_xoxo’s biggest hit novel The Girl He Never Noticed will be airing on @mewatch.mediacorp this Sept. 20!
Ito umano ang dahilan kaya siya nagtungo sa Singapore, at naging quiet muna habang nasa in the works pa ang pang-international niyang serye.
“This was the project we were working on when I was in Singapore, and I’m so honored because they chose me to play the part of Eros Petrakis. Get ready to meet the billionaire badass soon #TGHNN,” say pa ni Marco.
Mapapanood na nga sa streaming app na MeWatch sa Setyembre 20 ang seryeng ito nina Marco at Tess.
Base sa Wattpad, kuwento ito ng mayamang lalaki na hindi naniwala sa love, habang ang karakter na babae ay siya ang man of her dreams. Pinagtagpo sila ng tadhana at nagkasama sa trabaho at doon na nabuo ang kanilang love story.
Bukod sa “TGHNN”, busy din ang aktor sa shoot ng movie together with Kylie Verzosa na “Baby Boy, Baby Girl” sa direksyon ni Jason Paul Laxamana. (Batuts Lopez)
The post Marco bibida sa Singapore serye first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/fNgbPXF
via IFTTT
Comments
Post a Comment