Mga LGU, MMDA preno sa NCAP

Parang traffic enforcer ang Supreme Court mga tropapips na pina-stop ang umaarangkadang implementasyon ng no contact apprehension policy o NCAP ng ilang local government units sa Metro Manila, at Metro Manila Development Authority, sa pamamagitan ng inilabas na temporary restraining order (TRO).

Pero bago ‘yan, mukhang may aabangan tayong kabanata sa Palasyo sa kung sino ang ilalagay ni President Bongbong Marcos na mamumuno sa pinapantasyang Bureau of Immigration (BI).

Sa ngayon kasi, OIC o officer in charge pa lang ang namumuno sa BI na si Rogelio D. Gevero Jr., na pansamantalang itinalaga ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, habang wala pang napipili si PBBM.

Pero kamakailan lang, may kumalat na appointment paper na nagsasaad na may napili na raw si PBBM na bagong BI Commissioner. Pero sabi ng Palasyo, peke ang appointment paper at peke rin ang pirma ni PBBM sa nasabing dokumento.

Ang tanong ng ilan nating ayudanatics na kurimaw, nagkakaroon kaya ng sikuhan sa loob ng Palasyo sa kung sino ang ilalagay na pinuno sa naturang kontrobersiyal at pinagnanasaang ahensiya na masarap daw ang “pastillas”?

Ang maganda ring tanong, nasabotahe kaya ang taong sinasabing uupo sanang BI chief? Dahil kung talaga namang hindi pa siya sure na itatalaga, bakit ka naman magpapakalat ng dokumento na sinasabing “peke”? Puwede rin isipin ng iba na baka inakala ng tao na kapag inilabas ang dokumento eh maging “touch move” na o hindi na babawiin aang appointment para hindi magkahiyaan.

Habang isinusulat natin ito, wala pang sinasabi mula sa Palasyo kung sino ang napili ni PBBM na bagong BI commissioner. Abangan natin kung parehong pangalan ang lalabas gaya na nakalagay sa sinasabing pekeng appointment paper o iba.

Samantala, hindi lang ang mga operator at mga tsuper sa public transport ang malamang na abot-kilay ang ngiti sa pagkaka-TRO ng NCAP, kundi pati ang mga kamoterista at kamote riders. Aba’y malamang na balik-pasaway na naman ang kamote dahil alam nilang walang “big brother” na huhuli at nagmamasid sa biyahe nila.

Kung tutuusin, may malaking silbi naman talaga ang NCAP para magtino at madisiplina ang mga motorista. Iyon nga lang dapat lang sigurong repasuhin at pansinin ng LGUs at MMDA ang mga hinaing ng apektadong sektor.

Kabilang sa mga inirereklamo ang sobrang taas na multa, sistema ng pag-apela kapag nahuli, at ang sistema ng pagpapadala ng tiket na matagal daw sa iba. Bukod doon, sa address ng taong nakarehistro ang sasakyan ipinapadala ang tiket. Papaano nga naman kung second hand ang sasakyan at hindi nailipat sa pangalan ng nakabili?

Bukod sa MMDA, kabilang sa LGUs na may NCAP ang Quezon City, Valenzuela, Maynila, at Parañaque. Hindi pa kasama ang Muntinglupa dahil sabi ni Mayor Ruffy Biazon eh masusi pa nilang pinag-aaralan ang sistema bagaman napirmahan na ang kontrata at ordinansa nang nagdaang liderato.

Dahil sa Enero 2023 pa itinakda ng SC ang oral argument sa NCAP, aba’y magkano kayang kita sa huli ang mawawala sa MMDA at LGUs na may NCAP? Ang dapat siguro nilang gawin, ituloy pa rin ang pagmonitor at ilista nila ang mga pasaway na motorista.

Kapag may na-hulicam, i-post ng MMDA at LGUs ang picture o video na kuha sa CCTV sa kanilang social media para ipakita sa mga tao ang mga pasaway sa kalye. Laging Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

The post Mga LGU, MMDA preno sa NCAP first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/mAHXoyO
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada