Mikey naispatan sa party ng SMB

GINAGAWA ni Mikey Williams sa championship celebration ng San Miguel Beer?
Naispatan ang Fil-Am guard ng TNT sa dulo ng video na kuha sa selebrasyon ng Beermen.
Sa Shangri-La daw ang kasiyahan, nakunan sina Jericho Cruz, Rob Herndon, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo.
Natigil ang clip nang matapat kay Mikey.
Isipin, katatapos lang agawin ng Beermen ang korona ng Tropang Giga sa PBA Philippine Cup. Tapos ang kamador ng dethroned champions, nasa selebrasyon ng kalaban?
Sa dambuhalang 119-97 loss ng TNT sa deciding Game 7 noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum, nagliyab ng 17 points si Williams sa first quarter pero naka-5 na lang sa kabuuan ng laro, 0 of 4 siya sa final period, wala ring naisagot ang Tropa nang magkasa ng 17-0 run ang SMB para burahin ang 89-84 deficit sa pagtatapos ng third.
Kaibigan nina Herndon at Chris Ross si Williams.
Sa comment section sa storya ng insidente, sinabi ni Herndon na dinatnan na nila roon si Mikey. (Vladi Eduarte)
The post Mikey naispatan sa party ng SMB first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/mefyBOZ
via IFTTT
Comments
Post a Comment