Vhong, Ion, nakipag-showdown sa BGYO

Hindi talaga magpapahuli pagdating sa talent ang P-Pop groups at isa na nga diyan ang BGYO na talaga namang pinatunayan na sila ang ‘Aces of P-Pop’ sa pasabog nilang performance sa “It’s Showtime” kamakailan.

Guest ang grupo sa Kapamilya noontime show na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at iWantTFC, kung saan opening production number ng latest single nilang “Tumitigil ang Mundo” ang inihatid nila sa viewers.

Sa umpisa ng prod, isa-isang ipinakilala ang bawat miyembro na sina Akira, Gelo, JL, Mikki, at Nate habang sumasayaw nang freestyle. Todo-bigay din sila sa live na pag-awit kahit na ang hirap ng choreography ng kanta nila.

Dahil diyan, todo puri ang hosts ng “It’s Showtime” sa grupo sa pangunguna ni Vice Ganda. Sey niya, “Para tayong dinalaw ng bagyo rito diba! Ang lakas ng datingan ng sayawan at kantahan. Ang ganda-ganda ng kanta niyo.”

Siyempre, dahil nga impressed ang mga host, ‘di nila naiwasang makipagkulitan sa BGYO, at isa-isa pang pinasayaw ni Vice sina Vhong Navarro, Ion Perez, at Ryan Bang kasama sila.

May revelation din ang P-Pop boy group sa pinagkakabusy-han nila sa ngayon, na siguradong magpapa-excite nang sobra sa fans nilang ACEs.

“Naghahanda kami ng bagong music. May bago po kaming album na darating at solo concert po,” kumpirmasyon ng leader ng grupo na si Gelo.

Wow! Exciting ‘yan ha! Mag-iisang taon na rin kasi nang ilabas nila ang debut album nilang “The Light.” Sana kapag nag-promote sila ng bago nilang album, makabalik sila sa “It’s Showtime” at magpasiklab ulit sa bonggang performance. (Dondon Sermino)

The post Vhong, Ion, nakipag-showdown sa BGYO first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/jRowEJK
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada