Abangers ng pasiklaban sa SONA pero Abante Teletabloid bubuga na!

Samu’t-sari ang inaasahan ng mga nag-aabang sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Hulyo 25.

Ang mga hindi pa rin makausad makaraang matalo ang kanilang kandidato sa pagkapresidente ay siguradong ang mga kapalpakan ang aabangan, bibilangin at gagamiting materyales para upakan si Marcos sa pamamagitan ng social media gamit ang mga troll nila.

Ang mga negosyante, sa kabilang panig ay paniguradong nag-aabang ng mga paraang naiisip ni Marcos sa tulong ng kanyang economic team, kung paano isusulong ang kalagayan ng bans asa ilalim ng situwasyong naririyan pa rin ang banta ng COVID-19, lupasay na halaga ng piso kontra dolyar at ang tila hindi mahila pababa na presyo ng produktong petrolyo.

Pero sa ibang banda, marami din namang manonood, live man o sa pamamagitan ng streaming na ang talagang pakay ay mang-marites lamang.

Sila ‘yung mga abangers sa mga kasuotan ng mga senador, kongresista at mga kasa-kasama ng mga ito, dyowa man o asawa o kahit ‘yung mga sobrang nakadikit sa kanila pero ayaw ipakilala.

Mayroon din namang nagmomonitor lamang sa mga inihahandang pakain matapos na buksan ang sesyon ng Senado at Kamara at sisimple ng pila sa buffet table kapag ang mga VIP ay nasilbihan na ng pagkain.

Pagdating naman sa Kamara , mas nadagdagan ang mga inaabangan ng mga marites dahil bukod sa kasuotan ng mga politiko at mga kasama nila, target din ng bulong- bulungan ang mga sasakyang gamit at kung gaano karami ang kanilang security escorts.

At dahil ang SONA ay isang pambansang okasyon na mga halal na opisyal ang nasa gitna ng atensiyon, sumisentro din sa kulturang Pinoy ang kanilang mga kasuotan gaya ng barong at Filipiniana para sa mga kababaihan.

Pagdating naman sa media coverage, hindi rin magpapahuli ang mga anchors at reporters ng mga nasa broadcast industry dahil maging sila nagpapatalbugan din ng datingan.

Sa unang SONA ni PBBM, makikilahok na ang Abante Teletabloid sa mga media outlets na maghahatid ng impormasyon sa mga Pilipino, mga impormasyon na sigurado tayong lahat na maari nating magamit bilang tamang gabay sa ating pagbasa sa mga galawang politikal, pakikibaka sa kapwa tao at pagtugon sa hamon ng panahon.

Makikipagsabayan na po ang Abante Teletabloid, makikipagsabayan na po kami!

The post Abangers ng pasiklaban sa SONA pero Abante Teletabloid bubuga na! first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/QcKN2yz
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada