Basheirrou patok

ANIM na tigasin ding kabayo ang makakatagisan ni Basheirrou sa 2022 Philippine Racing Commission 3rd Leg Triple Crown Stakes Race sa Hulyo 24 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Puntirya ni Basheirrou na masikwat ang event upang maukit ang pangalan na naka-sweep ng karera.

Pag-aari ng Rancho Sta. Rosa at gagabayan ni trainer Ruben Tupas, markado ng mga karerista si Basheirrou at siguradong patok nang pamapayagpagan ang first at second leg ng taunang klasika.

Si class A rider Kelvin Abobo pa rin ang rerenda sa kabayaong breed ni Melanie Habla at anak nina Brigand at Allemeuse sa event na may distansyang 2,000-meter.

Mapapasabak si Basheirrou kina Brother Son, Charm Campaign, Enigma Uno, Gomezian, Jungkook at Radio Bell.

Nakalaan ang P3.5M prizes para sa top four winners ng event na suportado ng Philracom sa pamumuno ni chairman Aurelio De Leon.

Hahamigin ng piprimerang kabayo ang P2.1M, P787,500 sa segunda, P437,500 sa tersera at P175K sa pang-apat. (Elech Dawa)

The post Basheirrou patok first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/svhAdYX
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada