Basheirrou uukit ng kasaysayan

TIYAK na sasalang si Basheirrou sa 3rd Leg Triple Crown kahit wala pang inilalabas na opisyal na lineup.
Ito’y dahil pakay ni Basheirrou na walisin ang Triple Crown series matapos nitong angkinin ang korona sa 1st at second leg.
Nakatakdang ilarga ang 3rd Leg Triple Crown Stakes Race sa darating na July 24 na gaganapin sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.
Nakatutok ang mga karerista kay Basheirrou sapagkat inaabangan nila kung siya ang magiging pang-13 kabayo na naka-sweep ng Triple Crown.
Si Fair And Square ang unang kabayong nakawalis ng Triple Crown, nagawa niya ito noong 1981 habang si Heneral Kalentong ang huling nasikwat niya ito noong 2020.
Posibleng si class A rider Kelvin Abobo ulit ang rerenda kay Basheirrou, sakaling makuha ang inaasm na panalo ay mauukit ang pangalan ng kabayo sa history ng karera.
Impresibo ang ipinakitang takbo ni Basheirrou sa second leg matapos magtala ng tiyempong 1:51 oras sa 1,800-meter race, hinamig ng owner nito ang premyong P2.1M. (Elech Dawa)
from Abante https://ift.tt/B4GNlWb
via IFTTT
Comments
Post a Comment