Bayan Bangon Muli

Sa pagbubukas ngayong araw ng ika-19th Congress, isa ang inyong lingkod, kasama ang mga kababayan natin, na gustong mapakinggan ang mga sasabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., o PBBM, sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address o SONA.

Isa sa mga nais nating marinig mula kay PBBM ang patungkol sa economic recovery strategy na ilalatag ng kaniyang administrasyon. Dati nang nabanggit ni Finance Secretary Benjamin Diokno na tatalakayin ito ni PBBM sa kanyang kauna-unahang SONA.

Tunay na marami pong kababayan natin ang interesadong malaman kung ano ang mga plano ng bagong administrasyon ngayong ramdam ng lahat na hikahos ang bansa.

At ang inyong abang lingkod ay sumusuporta sa mga balakin ng ating Pangulo para sa mabilis na pag-recover ng ating bansa. Sa katunayan tayo ay nakapag-file na ng BBM bill na naglalayong suportahan ang mga balakin ni PBBM sa muling pagbangon ng ating bayan. Ito ay alinsunod na din sa kanyang ipinangako na “Bayan Bangon Muli” noong nakaraang presidential campaign na nag-capture ng imahinasyon ng mahigit 31.1 milyong botante.

Ang ating pag-file ng BBM bill ay alinsunod din sa pahayag ni incoming speaker Martin Romualdez na priority sa Kamara ang pagpasa ng “Bayan Bangon Muli” o BBM bill na kahalintulad ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 laws na ipinasa sa kasagsagan ng pandemya.

Sa pangunguna ng inyong lingkod kasama ng tatlo pang mambabatas ng CamSur na sina Representatives Miguel Luis Villafuerte, Tsuyoshi Anthony Horibata at Bicol Saro partylist Rep. Nicolas Enciso VIII, ay nag-file tayo ng panukalang P1.5-trillion, three-year economic stimulus program na puwedeng ipatupad ni PBBM sa unang kalahati ng kanyang termino para makalikha ng milyon-milyong sustainable jobs at mapabilis ang recovery ng bansa sa gitna ng matinding krisis na dinaranas ng mundo na nalikha ng Covid-19 pandemic at pinalubha pa ng alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ang House Bill (HB) No. 271 o ang National Economic Stimulus and Recovery Act of 2022, ay naglalayong suportahan ang “comprehensive all-inclusive plan for economic transformation” ni PBBM na pinuntuhan niya sa kanyang inaugural speech.

Sa kanyang talumpati noong June 30, sinabi ni PBBM na, “President Duterte built more and better than all the administrations succeeding my father’s (the late President Marcos) … following these giants steps, we will continue to build. I will complete on schedule the projects that have been started … we will be presenting the public with a comprehensive infrastructure plan … no part of our country will be neglected.”

Ayon naman sa ating incoming House Speaker Romualdez, “Bayan Bangon Muli bill stimulus package will allow him (PBBM) to harness the resources available during the closing period of 2022 and pass measures that are needed for the pandemic, hopefully, endemic stage of this Covid. The BBM bill is seen as the successor of the Bayanihan laws passed to mitigate the negative effects of the Covid-19 lockdowns on the economy.”

Noon pong nakaraang Kongreso kung saan si Rep. Romualdez ang House majority leader, ako po ay principal author sa House of Representatives ng Bayanihan 1 and Bayanihan 2 laws na nagbigay-daan sa Duterte administration para makagamit ng malakihang pondo upang mailigtas ang mga kababayan natin sa nakamamatay na coronavirus at ito rin ang naging daan para makapaglabas ng tulong pinansyal o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino, mga manggagawang nawalan ng trabaho, mga naluging negosyo, at iba pang sektor na sobrang pinalugmok ng global economic standstill dulot ng Covid-19 pandemic.

Sa kasalukuyang Kongreso, sa pamamagitan po nitong ating panukalang P1.5 trilyon stimulus package, masusustena ni PBBM ang mataas na infrastructure development na inumpisahan ni dating Pangulo Duterte, pero sa ngayon ang pokus ng pamahalaan sa infra investments nito ay sa tinatawag na “HEAL IT,” o Health, Education, Agriculture, Livelihood, Information Technology (IT) at Tourism projects.

Ang P1.5 trilyon ay hahatiin sa tatlong taong recovery—P500 bilyon ang ilalabas sa unang taon kapag naisabatas, P500B uli sa sunod na taon at ang natitirang P500B sa ikatlong taon.

Ang budget para sa mga naaprubahang proyekto ay awtomatikong irerelis sa implementing unit para agad makapag-umpisa at matapos ang mga proyekto nang hindi na patatagalin pa ng mga samu’t saring regulasyon na nagpapatagal lamang sa implementasyon.

Sa ilalim ng HB 271, tinitiyak natin na ang magiging paggasta ng gobyerno sa aspetong imprastraktura ay nakapokus sa mga programang lilikha ng mga trabaho lalo na sa kanayunan. Kailangang mabigyang prayoridad ang mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng trabaho at oportunidad para sa pagkakakitaan. Bibigyang pokus nito ang mga proyektong ilalatag sa barangay level. Ang mga proyektong pang-imprastraktura ay isasagawa kaalinsabay ng programang “Balik Probinsiya” na idinisenyo upang pasiglahin ang paglago sa kanayunan.

Kung makikita ng mga kababayan natin na marami nang oportunidad sa kanilang lalawigan para magtrabaho at kumita nang sapat ay hindi na sila mag-iisip pang umalis at magtrabaho sa malalayong lungsod o mang-ibang bansa pa. Ang mga nasa lungsod o sa ibayong bansa naman ay puwede nang magsiuwi sa kani-kanilang probinsya.

Imprastraktura po ang magiging backbone ng ating ekonomiya gaya ng pananaw ng halos lahat ng nirerespetong ekonomista at policy makers. Alam po nating sa ngayon ay kailangan pa rin ang mga hakbangin tulad ng cash transfer, unemployment dole-out, relief, at iba pang anyo ng agarang amelioration support o ayuda, pero mas mainam pa rin kung makakapagtatag tayo ng pangmatagalang solusyon, hindi lamang para sa gobyerno kundi para sa ating lahat.

Mabilis ang magiging pagbangon ng ating bayan, basta’t tulong-tulong, sama-sama tayong lahat sa pamumuno ni Pangulong BBM.

The post Bayan Bangon Muli first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/0kwTjX6
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada