Biglang sikat sa Twitter, IG: Pinoy singer Paolo idol ni BTS Taehyung

Biglang nag-trending ang Pinoy singer na si Paolo Sandejas.

At siya man ay takang-taka noong una, kung bakit siya pinag-uusapan sa Twitter.

“Bruh ya boi is trending! Wtf is happening!” sabi ni Paolo.

Well, ang rason nga ay pinakinggan ng super sikat na miyembro ng BTS na si Taehyung ang kanta niyang ‘Sorry’ at mapapanood `yon sa vlog nila.

Super proud nga ang mga Pinoy na kanta ni Paolo ang pinakikinggan ni Taehyung, ha!

“Pinapakinggan ka ni V!”

“I cant fucking believe Taehyung listens to Paolo Sandejas. This is so hot of him. Good for Taehyung and his immaculate music taste!”

“I know it’s insane!” sabi ni Paolo.

Well, kahit sino naman sigurong singer ay mababaliw kung makikita mo na pinakikinggan ng super sikat na singer sa buong mundo ang kanta mo.

At ang bongga lang na pati si Lea Salonga, nag-comment at tuwang-tuwa para kay Paolo.

“Okay, Filo Army, you’ll get a kick out of this one. In BTS V’s vlog, head right to time stamp 25:56-is. V starts singing to Paolo Sandeja’s ‘Sorry’ Paolo is a recording artist from the Philippines. Congrats Paolo. What a thrill!” sabi ni Lea.

“Coming from the Lea Salonga I don’t think this day can get any crazier! Thank you so much!” sagot ni Paolo kay Lea.

Pero ang mas bongga pa nga, hindi lang basta pinakinggan ni V ang kanta ni Paolo, dahil memoryado nga niya `yon, at sinabayan pa ng kanta.

Habang sinusulat ito ay nasa 2,000 pa lang ang follower ni Paolo sa Twitter, at asahan mo na agad na dadami pa `yon, lalo na at nag-number 1 trending nga siya sa Twitter.

“Tonight has been insane! Thank you all so much for all the love you guys have been showing for my music.”

Anyway, kahit sa Instagram ay tuwang-tuwa ang mga Pinoy na fan ng BTS kay Paolo. Lalo nga nilang minahal si Taehyung dahil sa pagsuporta sa Pinoy singer. (Dondon Sermino)

The post Biglang sikat sa Twitter, IG: Pinoy singer Paolo idol ni BTS Taehyung first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/oOHg97E
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada