Buhay masasalba ng CPR ?

Sa dinami dami ng mga teleserye na may inaatake sa puso, madalas nakikita ang isang doktor na nakasakay sa stretcher na nagbibigay ng CPR sa isang pasyenteng na walang buhay. Ano nga ba ang CPR? Talaga bang mabubuhay ang isang tao kapag nagawa ito. Ano ang mga dapat tandaan tungkol sa CPR? Paano ba natututunan ito?

Ang CPR o ang Cardio-Pulmonary Resucitation ang kailangan kung sakaling tumigil ang puso sa pagtibok, mawawalan ng daloy ng dugo na syang nagdadala ng mahalagang oxygen. A, B, C ang sinusunod sa CPR: A para sa airway, B sa breathing, at C sa Circulation. A, tinitingnan kung walang humaharang sa ilong at bibig para makadaloy ang hangin ng mabuti. B, may dumadaloy ba na hangin at tumutuloy sa baga. Nakikita ito sa pamamagitan ng pagangat nang dibdib. Kung hindi gumagalaw, ibig sabihin, hindi humihinga. At sa huli, C, ang pagtingin kung dumadaloy naman ang dugo sa pamamagitan sa pagkapa ng pulso. Maaaring maramdaman sa pamamagitan ng paggamit ng palad g dalawang daliri at ilagay ito sa dulo ng braso, sa ilalim ng kamay sa parte ng hinlalaki, o di kaya may ilalim ng panga malapit sa tenga sa may leeg. Kung may makapa na pumipintig, may pulso, kung wala, walang dumadaloy na dugo at hindi tumitibok ang puso. Sa pagkakataon na ito ay mangangailangan nang mabigyan ng hangin at umpisahan ang chest compressions kung saan inaasam na muling tumibok ang puso. Kinakailangan ito dahils sa bawat sandaling hindi nakakadaloy ang dugo, lumalala ang mga posibleng kumplikasyon na maaaring mangyari.

Ngunit bago pa umpisahan ang lahat ng ito, ang pinakamahalaga ay malaman kung talaga nga ba inatake sa puso ang tao kaya bumagsak ito. Ang unang una ay humingi at tumawag ng saklolo, at bago pa man lumapit ay siguraduhing safe at ligtas ang sariling kalagayan at kapakanan nang hindi makadagdag sa problema. Kapag nakitang maayos ang lugar, lapitan at tanungin ang biktima, baka naman nakatulog o lasing lang. Kung sakaling walang tugon, saka pa lang maaaring umpisahan ang A, B, C. at kung walang malay at tugon, mag CPR.

Medyo masalimuot ang CPR, kaya mayroong Basic Life Support training at workshop kung saan matututunan ang lahat ng ito. Itong nakalipas na linggo (ika 17 ng Hulyo) ay idiniwang ang World CPR Awareness Day para bigyan ng kahalagahan ang matutunan at paggamit ng CPR. Maaaring magtanong sa barangay, health center, o red cross sa lugar baka may isinasagawang training. Lahat sana ay matuto nito. Malay mo, ang buhay na masasalba ay sa minamahal mo.

Hanggang sa susunod ! Stay Healthy! Stay safe! Be vaccinated and boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23, tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

The post Buhay masasalba ng CPR ? first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/xohFETf
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada