Cesar nag-react sa galit ni Direk Joel

Imbes na pumutok ang butse sa mga basher, itinuturing pa silang biyaya ni seasoned actor Cesar Montano. Lalo na ngayon na gumaganap siya bilang si ex-President Ferdinand E. Marcos sa pelikula ni Darryl Yap na ‘Maid In Malacanang’.

Hindi naman lingid sa lahat na maraming Pinoy ang hati pagdating sa usapin ng Marcos versus Aquino. May giyera nga pagdating sa tunay na history base sa kani kanilang kuwento ng kasaysayan.

Para kay Cesar, the more na marami kang basher, mas lalo kang lalago.

“Alam mo ‘yung mga nagki-criticize na ‘yan, kung ikukumpara mo dun sa puro nagsasabing ‘ay ang galing’, ‘maganda’. Mas gugustuhin ko na ‘yung mga nagki-criticize. Because we grow from these kind of people -nagki-criticize,” sey ng actor.

Iyan ang sagot niya sa interview sa kanya ni Anthony Taberna sa Facebook at YouTube channel ng kilalang broadcaster.

“Ang masakit dun ‘yung puro magaganda lang naririnig mo. Hindi ka lalago non,” paliwanag pa ni Cesar.

Kinuwento nga ni Cesar ang ilang kaganapan habang nagshu-shooting sila ng movie na “Maid In Malacañang”. Bumilib daw siya sa kanyang anak na si Diego Loyzaga na first time niyang nakatrabaho sa isang pelikula.

Ang galing talaga na pasok ang mag-amang taga-showbiz sa movie na ang character nila ay mag-ama rin. Si Diego ang gumanap bilang batang Bongbong Marcos noong dekada 80.

Sabi pa ni Cesar, kung sa usapin ng history ng mga Marcos, nasa 99 percent ang bagong info sa kanya dahil wala naman umano siya noong pinalayas ang mga Marcos sa Malacañang.

Hindi naniniwala si Cesar na layon ng movie ang historical revisionism.

“Kung ang intensyon ng movie na ito ay ang paguwapuhin ang hitsura nila, eh di sana hindi na nilagay yung dialogue na ‘wala kang ginawa kundi party!’ Eh di sana pinutol na ‘yun,” paliwanag ng actor.

Tungkol naman sa galit ni Joel Lamangan sa movie nila, ginagalang at nirerespeto umano niya ang opinyon nito. Kaya umaasa rin siya na igagalang din nito ang kanyang sariling opinyon tungkol sa mga Marcos. (Batuts Lopez)

The post Cesar nag-react sa galit ni Direk Joel first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/Pgtc2Gd
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada