‘Chotserye’

GOOD day mga ka-depensa.
Medyo nakakabahala ang mga datos ng COVID-19 nitong nakaraang linggo, bahagyang tumaas, ang kagandahan lang eh marami na ang nabigyan ng booster shots kaya mabilis na lang ang recovery ng ating mga kababayan kapag nagkaroon ng sintomas ng COVID o trangkaso.
Sa ‘CHOTSERYE’ natin, ako ay nagmanman at nagbasa sa mga paratang o opinyon ng ating netizens sa social media. Sobra ang poot, galit at frustration ng sambayanang Pilipino na nararamdaman nila ngayon sa sinasapit ng Gilas Pilipinas men’s basketball team.
Hanggang saan ba ang learning process ng Gilas boys? Iyan ang kadalasang tanong, hindi pa ba tayo natuto? Ilang talo ba muna bago tayo matuto?
Puwede naman tayo matuto habang nanalo, iyan ang komentaryo ng ating mga henyo sa basketball.
Ano ba puwedeng mangyari kapag puro talo?
Una diyan eh puwedeng ma-trauma ang Gilas dahil tambak lagi sa laro.
Ikalawa, nagkakaroon sila ng losing culture imbes na maging winner ang mga manlalaro natin.
Ikatlo, na ikinatatakot ng lahat, mag-pullout ang mga sponsor sa Gilas dahil puro na lang talo. Siyempre ayaw naman ng mga sponsor na ma-identify sa talunan.
Ikaapat, bababa na naman ang popularity ng basketball sa Pilipinas. ‘Yung marketability ng mga player overseas na sina, Ravena bros., Ray-Ray Parks at iba pa ay puwedeng maapektuhan tulad sa Japan, Korea at Taiwan.
Mas titignan na nila ngayon ang mga ibang nasyon na tumatalo sa atin. Sa laging talo, sa isang banda, pinasisikat din natin ang ibang nasyon sa ganyang pangyayari.
Panglima, dahil inaako na lang parati ng SBP ang control ng basketball sa Pilipinas, hindi malayong bubuwagin na ang SBP dahil ayaw na nilang makinig sa hinaing ng 100 milyon na mahilig sa basketball.
At panghuli, siyempre depende sa mga ‘susoltant’ at ‘bulongtant’ ni Mr. Manny “MVP” Pangilinan, hindi malayong magre-resign na si MVP sa basketball o hindi na susuporta sa Gilas Pilipinas.
Saan kaya patungo ang basketball sa bansa kung ganyan ang politika sa Gilas Pilipinas men’s basketball team?
Batay sa obserbasyon ng ibang millenials natin, malaking pera ang nakalagak sa Gilas Pilipinas men’s basketball program kaya mahirap bumitaw ang mga tao diyan.
Kapit-tuko o kapit sa patalim, hindi talaga sila bibitaw kahit malugmok pa tayo sa kahihiyan sa international basketball stage.
Hindi na nga raw puso eh, base sa mga “millenials” natin, pera na ang labanan diyan sa Gilas. At kasunod, pasarap naman.
Kawawa na naman si Juan Dela Cruz.
Isang malaking haynako ito mga ka-depensa. Haluan na rin natin ng dasal, para matauhan ang mga opisyales ng SBP na tulog sa sitwasyon.
The post ‘Chotserye’ first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/kRoTxy6
via IFTTT
Comments
Post a Comment